Chapter 1

309 9 6
                                    

ELIJAH GONZALEZ' POINT OF VIEW

*TEXT MESSAGE*

From: Mara Schatz

Kita tayo sa mall, okay? May papakilala ako sayo, I'm sure you'll like HER! She is my BESTFRIEND,too. Sa ayaw o sa gusto mo kailangang magkaroon ka na ng girlfriend, ok? =D We'll be there after a few minutes. See 'yah!

~~

Andito ako ngayon sa mall. Nandito ako ngayon kasi may inaabangan ako. Pero ilang oras na ang lumipas, wala parin sya! Ang usapan kasi namin magkita kami dito sa mall.

Alam nyo kung sino inaabangan ko?

Syempre, HINDI!

Well, inaabangan ko lang naman yung bestfriend ko. May ipapakilala daw kasi sya sa'kin na babae para naman daw magka-girlfriend na 'ko. BESTFRIEND nya daw! Hindi lang pala ako bestfriend 'nun. Inaasahan ko rin naman 'yun .. ang friendly kaya ni Mara, SOBRA!

Sus! okay lang naman sa'kin kahit wala akong girlfriend. Hindi naman ako mamatay dahil wala akong girlfriend.

"Ang tagal naman ni Mara. Makapag-libot nga lang muna" bulong ko sa sarili ko.

Naglalakad ako sa gitna ng mall nang biglang ....

*BOOGSH*

May nabangga ako. Ay mali! MAY BUMANGGA SAAKIN!

Hindi ko alam kung sino yung bumangga sakin. Basta ang naalala ko may bumangga sakin, tapos habang pabagsak ako sa sahig, napapikit nalang ako.

Ang sakit ng likuran ko! Ang lakas ng impact ng pagkakabunggo nya. Sa lakas ng impact, bali na ata spinal cord ko!

Bakit ba kasi tumatakbo? May pulis ba o ano? Malalagot talaga sakin 'to!

Dinilat ko nalang yung mga mata ko at..

May nakita akong babaeng nakapatong saakin. BABAE yung bumangga sakin!

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala niya. May color brown na mata, matangos na ilong,medyo morena, maamong mukha, at .. at ... aishh! Basta ang ganda talaga nya! Halos ilang inch na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Di ko maiwasang mailang, bukod pa 'don nasa gitna kami ng mall! Halos lahat ng tao sa paligid namin, tinutukso kami. Pero yung iba naman, naka-ngiti o 'di kaya naka-tunganga lang, na para bang nanonood ng isang teleserye sa TV.

"Sorry, sorry, sorry talaga" tumayo na siya at tinulungan nya pa akong makatayo.

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon