Chapter 15

132 11 2
                                    

NATHANIEL CANAVAN's POINT OF VIEW

"Hello Philippines. Good-bye world!" malakas na sigaw ko pagkababa namin ng eroplano with matching open arms pa. Bigla naman akong binatukan ni Yhaz. Hindi naman 'yung batok as in 'yung BATOK. 'Yung batok with the word SWEET.

"Arruuy.." react pa ni Jaycee.

"Ouch." sabi pa ni Maddie.

"Nakisawsaw?" tanong ko sakanila. Paano kasi, magre-react lang, SABAY pa! Nakoo..

At sa ikalawang pagkakataon, binatukan na naman ako ni Yhaz. Ang SWEET nya talaga, grabe!

"Nathaniel, anong pinagsasabi mo dyan? Good-bye world ka dyan. Mawawala ka na ba sa mundong ibabaw? Huh?!" medyo malakas na tanong ni Yhaz sa akin.

'Good-bye world'? Sinabi ko ba 'yun? Ayt. Oo nga pala..

"Sensya naman. Pwede bang na-wrong grammar lang?" palusot ko sakanya. Sana makalusot, sana makalusot..

"Psh." sabi na lang nya sabay roll eyes. Bakit baa?

Lalabas na sana kami ng airport papuntang parking lot ng..

~~

NICK ABRAHAM's POINT OF VIEW

"Nick?!" gulat nilang bungad saakin. Anong problema nila? Atsaka pansin ko lang, may mga girls silang kasama! Siguro mga bago nilang ka-tropa..

Kung hindi nyo naitatanong, hindi naman ako REGULAR na myembro ng tropa. Anong ibig sabihin ng 'hindi REGULAR na myembro ng tropa'? Hindi palaging nakakasama sa mga lakad ng tropa. 

Kasi kung alam nyo lang, busy akong tao. Busy ako sa pag-aaral, sa paglalaro, at kung ano-ano pa. Kaya ako nawala pansamantala sa tropa, kasi umalis ako. Secret vacation.

Nagbakasyon ako sa ibang bansa. Hindi naman talaga ako nagbakasyon, umalis lang ako sa Pilipinas. At nag-aral muna sa ibang bansa. Kaya tinawag kong 'secret vacation' 'yung pag-alis ko kasi sekretong bakasyon sa tropa. Mamumuhay ako saglit ng wala sila; ng walang kaibigan.

Naandito nga pala ako ngayon sa airport, nabalitaan ko kasing uuwi na sila sa Pilipinas. Matatapos na rin kasi 'yung Christmas vacation NILA.

Oo, 'nila'. Pagkatapos ko kasing umuwi dito, hindi na ako nag-enroll sa kahit anong paaralan na pwede kong pasukan. Alam nyo kung bakit?

Secret.. Bakit ko naman sasabihin sainyo? Kung sasabihin ko man sainyo, hindi ngayon. Tsaka na lang kapag 'alam nyo na'..

Back to the topic, so, ayun nga! Ako ang susundo sa kanila dito airport. Hiningi ko na rin yung mga approval ng mga parents nila bago ako makapunta dito. Sad to say, hindi ko aakalain na may mga girls silang kasama.

"Bros! Long time no see ah.. Tsaka may mga girlfriends na pala kayo? Ba't hindi nyo sinabi saakin? Pero, hindi bale, kasya naman tayo sa van. Ano, taralets?" yaya ko sakanila. Pero may isa pa akong napansin eh. "Guys, asan nga pala si Denver?

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon