KAITLYN BARRIENTOS' POINT OF VIEW
Naandito na nga kami sa mall. Sakalukuyan akong tinatanong ng kung ano-ano nila Mara habang nasa isang restaurant kami. Naka-separate kami sa mga boys. Hindi ko nga alam kung bakit kami nakahiwalay sakanila. Kasi sabi nga diba ni Mara "The more, the merrier!" pero asaan na 'yun?
"What's your favorite hobby?"
"Hanging out"
"Where do you like to hangout with your 'special someone'?"
"In a place where we both like."
"Can you describe you 'ideal man'?"
Napatigil naman ako sa tanong na 'yon. Ano nga ba katangian ng "ideal man" ko? Sino nga ba ang "ideal man" ko? Pwede naman sigurong mag-"pass" dito, noh?
"Pass."
"Ooppss.. not accepted!"
Hala, eh anong isasagot ko dito? Wala pa nga akong "special someone" at syempre, wala pa din akong "ideal man"! Hindi ko naman pwedeng isipin na si Elijah yung "ideal man" na 'yun.
Did I just say Elijah? Oh, erase, erase, ERASE! Ano bang pumapasok sa isip mo Kaitlyn?
"Ahhm.." tumingin-tingin pa ako sa paligid ko. Hanggang sa mahagip ng paningin ko si Elijah. Nakitingin siya saakin pero iniwas nya kaagad yung tingin nya nung makita nya na nakatingin ako sakanya. Anong nangyari don? "gentleman and caring." yun nalang ang isinagot ko sakanila.
Bigla naman silang tumili ng mahina at nagsi-apiran pa. Ang weird nila, hmmp!
"Anong nangyari sainyo dyan?" tanong naman ni Denver sakanila.
"Wala!" 'yon nalang ang isinagot nila habang tatawa-tawa.
"Last question! If you will name your "ideal man", who is he?"
Patay! Anong isasagot ko? Ay mali pala, SINONG isasagot ko?
Kung magpa-pass ako, hindi din naman nila tatanggapin. Kung magsasabi naman ako ng wala--
Yun oh! Mai-try nga..
"No one." sagot ko sakanila. Pero mukha silang hindi naniniwala saakin.
"Weeh? Eh bakit may naisagot ka dun kanina sa isa naming itinanong sa'yo?" oo nga naman. Bakit nga ba akong may naisagot dun? Dahil ba kay--
Diba sabi ko naman sayo Kaitlyn, hindi siya pwede. Hindi siya pwede!
"H-hindi ko alam?" nauutal-utal kong sagot sakanila pabalik. Sa mga itsura nila ngayon, mukhang hindi talaga sila convinced sa sagot ko.
Anong magagawa ko? Sa hindi ko alam eh!
ELIJAH GONZALEZ' POINT OF VIEW
Sakalukuyang tinatanong ako nila Denver ng kung ano-ano. Naandito nga pala kami ngayon sa mall. At dahil may maintenance na inaayos ang school, maaga ang uwian namin ngayon. Kaya napagplanuhan nila na mag-gala sa mall kahit saglit lang.
Itatanong na nila saakin ang last question. Pero last na nga, hindi ko pa masagot-sagot!
Name your ideal girl
Hindi ko nga alam kung sino yung "ideal girl" ko. Hindi naman sa wala, pero hindi ko pa kasi sigurado kung siya nga 'yun.
"Hindi ko pa kasi sigurado kung sya nga 'yun.." sabi ko sakanila.

BINABASA MO ANG
Don't Let Me Go // KathQuen
FanfictionMailalatag ba ng tropa ang lovestory nila Elijah at Kaitlyn? Malalagpasan ba nila ang mga problemang mailalahad ni Tadhana? May mabubuo nga bang MGA lovestory sa daan? O, wala? Paano kung nadamay pa ang tropa at nagkahiwa-hiwalay pa sila? Seventeent...