Epilogue

212 10 3
                                    

"Kaitlyn! Kaitlyyynn!" hingal na hingal si Elijah noong makita nya si Kaitlyn na nasa kanyang locker. Kinukuha na nya kasi ang kanyang mga gamit sa eskwelahan dahil aalis na sya. Dahil sa gulat, napatigil sya mula sa kanyang pagligpit. Alam nyang si Elijah ang sumigaw ng kanyang pangalan. Ngunit hindi sya lumingon rito.

"Elijah, ano ba?!" pasigaw na tanong ni Kaitlyn sakanya. Lumapit kasi sya rito at dali-daling hinarap ang mukha ni Kaitlyn sakanya.

Nang walang ano-ano'y hinalikan nya 'to at patuloy na hinahalikan. Hindi din 'to nagtagal dahil itinulak sya ni Kaitlyn palayo.

"Are you crazy?! Nasa paaralan tayo!" babala pa ni Kaitlyn sakanya.

"Yes, I'm crazy. I'm crazy to fell inlove to you. I'm crazy because I assumed. I'm crazy because I did 'that'.. But remember, I didn't want to feel alone anymore. But when you came into my life.. you ruined it. You've ruined my sad and lonely life before. And you've turned it into--" naputol sya noong tumakbo nalang bigla si Kaitlyn papalayo sakanya. Hinabol nya ito ng hinabol hanggang sa maabutan nya ito sa may parking lot ng kanilang paaralan.

Noong maabutan nya si Kaitlyn, kaagad nya itong niyakap mula sa likod.

"Please, don't let me go.."

~~

After 3 years.. 

"Taas nyo pa.. taas pa.. unti paaa! Hindi ba kayo marunong sumunod ng simpleng directions?!" malakas na sigaw ni Yasmine sakanila. 

"Marunong naman kami..! Sa palagay mo ba hindi namin 'to maitataas ng ganito kataas kung hindi kami marunong sumunod?" itinaas pa ng bahagya ni Niel ang tarpaulin na hawak-hawak nila ni Karl. Inirapan na lang sya ni Yhaz at nag-cross arms pa ito. Napansin kaagad ito ni Niel kaya dali-dali nyang binitawan ang tarpaulin na hawak at bumaba sa isang maliit na hagdan. 

Ngunit nauna pang makababa ag tarpaulin na hawak nila ni Karl sakanya. Dahil medyo mabigat ang tarpaulin at kung isang tao lang ang hahawak sa isang dulo tiyak na mahuhulog ito.

Nahulog nga ang tarpaulin at natabunan nito si Jeremy na nag a-ipod.

"Huy, bakit biglang gumabi? Parang kanina lang ang tirik-tirik ng araw tapos biglang magdidilim?" tanong ni Jeremy. Hindi nya kasi namalayan na natakluban sya ng tarpaulin. 

Lumapit kaagad si Jane at Maddie para tanggalin ito. Noong natanggal na nila..

"Huh, umaraw ulit? Ayt. May tarpaulin pala.. Sinong naghulog?" sabi pa ni Jeremy.

"Si Niel!" sabay turo pa ni Karl kay Niel. Nag-peace sign nalang si Niel sakanya atsaka ipinagpatuloy ang pagbaba sa hagdan. Lumapit kaagad sya kay Yhaz para mag-sorry sa kanyang nagawa.

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon