Chapter 16

173 8 2
                                    

ELIJAH GONZALEZ' POINT OF VIEW

"Pre, ligawan mo na kasi..

"Alam mo pre, bagay kayong dalawa. Kaya ligawan mo na!" kumbinsi nila saakin. 

"Bakit kasi atat na atat kayo? May time din para sa bagay na 'yan.." sagot ko sakanila. Bigla namang napatayo si Karl sa isinagot ko.

"May time?! Naririnig mo ba 'yung mga sinasabi mo, Elijah?" medyo malakas na tanong ni Karl saakin.

"Oo naman! Ano palagay mo sa'kin?" tanong ko sakanya pabalik.

"Arrgh!" 'yun na lamang ang sinabi nya atsaka lumabas ng pinto, este.. nag-walk out. Nga pala, naandito kami ngayon sa bahay ni Nick. Chill-chill lang muna. Pero dahil nga sa nag-walk out si Karl, hindi na ata 'chill' ang pwedeng i-describe sa ginagawa namin.

"Elijah, umamin ka nga.." pabitin pa ni Jaycee sa sasabihin nya.

"Anong aaminin ko?" sabat ko sakanya.

"Patapusin mo nga muna ako pwede?.." tanong nya saakin.

"Pwede naman. Kaso, ano nga--" pinutol nya 'ko. Anong problema nito?!

"Sinabing patapusin muna ako eh! So, ito nga.. isang tanong isang sagot, may gusto ka ba kay Kaitlyn?" diretsong tanong nya saakin.

Hindi ko maintindihan 'yung sarili ko. Alam nyo kung bakit? Bigla nalang kasi akong natawa sa tanong nya. And here's the thing.. hindi ko alam!

"Jaycee, seryoso ka ba sa tanong mo?" tatawa-tawa kong tanong sakanya. "Ako?" sabay turo ko sa sarili ko, "may gusto kay Kaitlyn? Kay Kaitlyn Barrientos? Seriously?!"

Iiling-iling nalang sila sa isinagot ko. 

"Elijah, look," humugot pa ng isang malalim na buntong-hininga si Jeremy "umamin ka na! May gusto nga kasi si Kaitlyn sa'yo! Ba't ayaw mong maniwala?" nanlaki naman 'yung mga mata ni Jaycee bigla sa sinabi saakin ni Jeremy. At ako naman, heto, unti-unting nagfe-fade 'yung tawa ko.

"Saan mo nasagap 'yan, Jeremy? Ba't hindi ko alam 'yan?" tanong ni Jaycee kay Jeremy. Ngiti nalang ang isinagot sakanya ni Jeremy. 

"Si Kaitlyn? May gusto sa'kin? Imposible! Parang noong isang araw lang, sabi nya saakin.. ex-friends na daw kami.." malungkot na pahayag ko sakanila. 

"Naniwala ka naman?" tumango nalang ako kay Niel. "Pero.. bakit ka naman naniwala? Hindi mo ba naisip na baka sinabi nya lang 'yon kasi.." naputol naman bigla ang sasabihin ni Niel nang biglang magsalita si Nick.

"H'wag mo munang sabihin sakanya, Niel. Baka makasama lang. Mabuti pang sa susunod mo nalang sabihin sakanya." sabi naman bigla ni Nick kay Niel. Tapos may ibinulong pa sya rito. 

Bigla namang nagsalita si Jaycee..

"Ang torpe mo Gonzalez, ang torpe mo! Umamin ka na kasi. Kalat na kalat na sa buong school na gusto mo si Kaitlyn! Tsk. Tsk." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hala, paanong alam na ng buong school na gusto ko si Kaitlyn?! Sa Lunes pa pasukan ah?

Hindi ko alam pero bakit ganon? Tumawa sila bigla. As in, SILANG LAHAT.

I'm completely LOST.

"Eh di lumabas din na may gusto ka kay Kaitlyn!" nakipag-apir pa si Niel kay Nick. 

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon