Chapter 4

181 10 0
                                    

KARL REYES' POINT OF VIEW

Use Singapore Math to solve.

Akala ko Math ang quiz namin ngayon. Math as in, M-A-T-H. Hindi yung may word na "Singapore"! Isa sa pinaka-hate ko bukod sa pagbuo ng equations using Algebra, ay ang Singapore Math.

Bakit ayaw ko sa Singapore Math na 'yun? Kasi magdro-drawing ka pa ng box. Bukod pa dun, kailangang sundin mo pa ang 8 steps. Tapos sabi pa ng prof. namin, "Never ever skip a step." ayun daw ang rule sa Model Drawing o ang tinatawag naming Singapore Math. Masyado naman atang mahigpit ang Math ngayon. May Algebra na nga, may Singapore Math pa! Tss.

Matatapos nadin ang quiz ko. Wala na nga ako sa kalahati eh. Bakit kung kailan malapit na akong matapos sa quiz, doon pa sumulpot ang Model Drawing. Mga dalawang tanong lang naman ang mga natitira. Dalawang tanong na gagamitan ng "ganoong" klaseng Math.

Sasagutan ko na sana ang second-to-the-last question sa quiz namin ng biglang nakalimutan ko ang 8 steps! Kaya naisipan kong magtanong sa katabi ko. Pero bago ko makapag-decide kung magtatanong nga ako sa katabi ko, pinag-isipan ko munang mabuti. Mahirap na baka mahuli ako ni Prof.

"Psst. Chris, tanda mo ba yung 8 steps?" bulong ko sa katabi ko. Baka kasi alam nya at makatulong pa siya saakin.

"Hindi eh. Nanghuhula na nga lang ako ng sagot dito," sagot naman niya. "mag-tanong ka dun kay Yssa. Alam nya ata yung steps." dugtong pa niya.

Pero ayaw ko nang magtanong sa iba. Baka mapahamak pa ako. Manghula nalang kaya ako? Tama, manghuhula nalang ako!

Isusulat ko na sana ang "sagot" ko ng biglang..

"Time's up! Pass your papers forward. Dapat may makita akong mga Singapore Math box sa last two questions." patay tayo dyan! Hindi naman siguro maaapektuhan yung grades ko dahil wala akong mga sagot sa last two questions using Singapore Math.

Babawi nalang ako .. next time!

 JAYCEE ABARCA's POINT OF VIEW

Dismissal na namin. May "meeting" daw kami ng tropa sabi ni Mara, pero hindi daw kasama sina Kaitlyn at Elijah. Siguro tungkol nanaman 'yun sa set-up thingy o 'di kaya math making .. este "match making" pala!

Speaking of Math, naka-survive ako kanina sa quiz namin. Actually kaming lahat naka-survive. Pero si Karl, naka-survive nga, malungkot naman. 'Di daw nya kasi nasagutan yung last two questions sa quiz. Tapos tinanong naman nya saamin kung maapektuhan ba daw yung grades nya dahil dun. Sinagot ko nalang siya na hindi maaapektuhan grades nya, basta bawi nalang siya next time. Tapos nag-bigay pa ako ng isang friendly advice sakanya para lumuwag naman pakiramdam nya. Inuuna nya kasi ang future kaysa sa present, ayan tuloy ang napala!

Naglalakad ako sa corridor ng nahagip ng mata ko si Maddie. Si Maddie na ka-barkada nila Mara. Tinawag ko siya. "Maddie!" tawag ko sakanya habang kumakaway. Lumapit siya kaagad saakin. Gusto kong ikwento sakanya kung anong latest update ko ngayong araw.

"Pupunta ka rin ba sa meeting place?" tanong nya saakin. Kung titignan nyo siya, maganda talaga siya. Student na student kung titignan.

"Oo. Gusto mo, sabay na tayo pumunta doon?" tanong ko pabalik sakanya. 

"Sige ba! Uy, alam mo ba yung nangyari kahapon sa bahay ng ka-tropa mo? Denver ba pangalan 'nun?" tanong nya ulit saakin. So, curious din pala siya kung anong nangyari kahapon. Kung bakit kami napa-uwi ng wala sa oras.

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon