Chapter 5

170 7 0
                                    

JANELLE SAMPSON's POINT OF VIEW

"Ang unang gagawin natin ay ipamukha natin sakanila na compatible sila. Sa pamamagitan nito.." itinaas ni Mara ang isang blankong papel. Anong gagawin namin dyan? 

Bigla namang nagtaas ng kamay si Maddie. Tinawag naman siya kaagad ni Mara. "Anong gagawin natin dyan?" tanong nya. Exactly! What will we gonna do to that blank piece of paper?

"Well, ahhm.." nag-isip muna ng konti si Mara bago sumagot. "Isusulat natin dito ang 10 similarities nila sa isa't-isa. At tayo ang gagawa ng sampung tanong na itatanong natin sakanila. Pero, ang mga boys ang magtatanong kay Elijah at tayong mga girls ang magtatanong kay Kaitlyn. Ang alam lang kasi nila ay magde-date lang sila. But of course, not! Dapat sila din ang magkatuluyan. " paliwanag pa niya. Umiling nalang ako. Pero syempre nahalata naman kaagad 'yun ni Mara. 

"Look Jane, hindi nila alam na sine-set up natin sila. Kaya no worries 'bout it." sabi pa nya at lumapit siya sa mga boys. Binigyan nya ang mga boys ng isang papel at isang lapis, parang hati-hati na sila sa isa. Ganoon din naman ang ginawa niya saamin. "pagplaplanuhan natin ng maagi yung mga tanong natin. But please boys, yung may sense naman na question ha?" tumango nalang ang mga boys. Pero wait, almost 4pm narin ah! Kailangang ko pang mag-sagot ng mga homework!

"Mara pwede bang itigil na natin 'to? Bukas nalang pwede? May mga homework assignments pa tayong sasagutan!" sabi ko sakanya. May Singapore Math pang naghihintay saakin sa bahay!

"Ah, oo nga noh." tumingin pa siya sa relo nya. "Sige ganito nalang, text nyo nalang saakin yung questions, tapos ako nalang ang pipili. Tagli-lima tayo; gagawa din ako ng saakin. Ganun din gawin nyo boys, ha?!" sigaw nya sa mga boys. Tumango nalang sila. 

Pagkatapos nun ay kanya-kanya na kaming takbo sa labas bitbit ang mga bag namin. Nandoon na din yung driver ko, naghihintay. 

"Bye Jane!" paalam saakin ni Jeremy. "Farewell to you my friends.." kanta nya pa. Nagpaalam narin ako sakanya at sumakay na kami sa kanya-kanya naming mga sasakyan.

~~

SABINE ADLER's POINT OF VIEW

..KINABUKASAN..

Maaga akong gumising dahil may pasok pa kami. Tuesday ngayon, it means maaga ang uwian namin mamaya. Every Tuesday kasi dapat regular ang uwian, kaso ngayong Tuesday, may maintenance na ginagawa ang school namin. 'Di ko nga alam kung anong sira ng school namin at nagkaroon kaagad ng maintenance.

Oh well, wala na akong magagawa dyan. Mamaya din pala yung continuation ng Cupids' meeting namin. Magkikita-kita kami mamaya sa mall. Pero ngayon, kasama na sina Kaitlyn at Elijah. Doon na kasi namin itatanong sakanila ng magkahiwalay yung ten questions. Hindi ko nga alam kung ano-ano yung napili ni Mara. Sana naman may napili sya na gawa ko.

Ito kasi yung five questions na tinext ko kay Mara:

-> Where do you like to hangout with your "special someone"?

-> What song do you like to sing just for you?

-> For you, what is LOVE?

-> Do you believe in destiny? Why or why not?

-> If the right time comes, will you fight for the feelings that you feel for someone?

Corny ba? Wala na kasi akong maisip eiii. Atsaka si Mara naman diba yung pipili?

Papasakay na ako sa sasakyan ko. Nandoon na din sa loob yung driver ko. Binilhan na kasi kaagad ako ni Mommy ng kotse kahit hindi pa ako marunong mag-drive and hindi parin kaya ako pwede mag-drive. Duh, 17-years-old palang kaya ako!

So, ayun nga, sumakay na ako sa sasakyan. Nagpaalam narin ako kay Mommy, wala na kasi akong daddy dahil naghiwalay sila ni Mommy noong 5-years-old palang ako. Sumama sya dun sa iba nya. Para saakin, okay lang naman yun. Sino naman ang magsisisi? Siya o kami? Sa totoo lang, hindi ko na siya tinatawag na "daddy", kasi hindi naman sya dapat maging tatay ko. 

Naandito na ako sa tapat ng school namin. Binaba narin ako ni Kuya Driver kanina. Naglalakad na ako patungo sa locker ko para ayusin yung mga gamit ko nang makita ko si Karl. Naglalakad siya ng naka-yuko. Naka-suot siya ngayon ng isang white and blue checked shirt, pantalon, at naka-suot din siya ng color black and orange geek glasses. Dito kasi sa school, kapag short or minimum day, hindi ka dapat naka-uniform. Kahit ako nga, hindi naka uniform ngayon. Naka-suot ako ng pink polka dots dress at colored peach heels. Okay lang sa school kahit mag-heels kami, basta't wag ka lang tatakbo. 

"Karl!" tawag ko sakanya. Inangat niya kaagad yung ulo niya mula sa pagkaka-yuko. Nung makita nya ako ay bigla siyang ngumiti at lumapit siya kaagad saakin. 

"Bhine!" tawag nya saakin habang palapit siya ng palapit saakin. Did I mention this before? Siya lang ang tumatawag saaking "Bhine". Hindi ko nga alam kung bakit ayun pa yung tawag nya saakin. Pwede namang Sabine o 'di kaya Sab. 

Nung nakalapit na sya saakin niyaya nya na akong pumunta sa classroom namin. At oo nga pala, classmate din namin sila, pati nadin si Kaitlyn. Hindi lang kasi napapansin ni Elijah na classmate namin si Kate dati, dahil hindi siya masyadong tumitingin sa girls o 'di kaya sa mga kaklase namin. Pati nga din kami eh, ngayon lang kami nakita at nakilala ni Elijah.

Nasa tapat na kami ng pinto ng classroom namin. Nandoon nadin sa loob ang tropa. Kami nalang ata ang kulang. Pumasok na kami at umupo sa kanya-kanya naming upuan. Nag-uusap pa sina Maddie at Jaycee sa likod, pero tumigil din sila dahil nandyan na si Prof.. 

~~

JEREMY PAREDES' POINT OF VIEW

"It's a beautiful day.." kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad papuntang cafeteria. Recess na kasi namin at maya-maya lang ay uwian na namin. Excited na 'ko para mamaya! Matagal na kasi akong hindi nakakapunta sa mall, dahil na rin siguro hectic palagi ang schedule namin. 'Lam nyo naman kasi, high school life. Pero kahit ganoon, nakaka-survive parin kami.

Naandito na ako sa loob ng cafeteria. Na spot-an ko kagad ang table ng tropa. Oo nga pala, simula nung araw na nag-"meeting" (daw) kami sa bahay nila Denver, sumanib na sa tropa namin ang barkada ni Mara. Kasi daw "The more, the merrier!" sabi ni Mara.

Umupo na ako kaagad sa tabi ni Jane habang wala pang naka-upo sa tabi nya. Masaya kasama ang barkada ni Mara, lalo na si Jane. Ka-vibes ko nga 'tong si Jane eh! Mahilig din pala siya sa music, kagaya ko!

Binati ko muna sila. "Hi guys!" nag-"hi" din naman sila pabalik at bumalik na sila sakani-kanilang mundo. Si Sabine at Karl nag-uusap. Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila, hindi naman ako chismoso para alamin pa 'yun. Si Madeline at Jaycee naman, mukhang nagtatalo. Nagtatalo na mukhang sweet. Si Yasmin at Nathaniel, este Niel pala, ay pinagmamasdan lang sina Kaitlyn at Elijah. Mukhang planadong-planado na talaga sila para mamaya. Si Mara at Denver naman ay nagsusulat sa kani-kanilang papel habang hawak-hawak nila yung mga cell phone nila. Sinusulat na siguro nila yung 10 questions. 

May napili kaya sa mga questions ko?

~~

May napili nga ba?

Ahhm.. sa lahat po na nagbabasa ng story na 'to, gusto ko lang pong i-inform na ginawa ko nalang pong cameo or special participation sina Scarlett (Sharlene San Pedro) at Nick (Nash Aguas). Okay? Hindi po ako kasi sure kung lalabas sila kaagad dito. 

*:SeventeenthGirl:*

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon