Chapter 10

143 9 0
                                    

KAITLYN BARRIENTOS' POINT OF VIEW

"Psst.. Kaye..

Hmm.. Sino ba 'yun?

"Kaye, gising na. May pupuntahan daw tayo ng tropa."

Hindi ko parin sya pinansin. Antok na antok parin kasi ako. Kaya pasensya muna.

"Elijah, ako nalang ang gigising sakanya."

"Sigurado ka? Ingatan mo sya ah."

"Awtsuu.. Para namang ginto 'tong si Kaye mo! Napaka-importante."

"Manahimik ka nga dyan! Baka mamaya magising nyo siya. Mabulabog nyo pa."

Infairness, ang ingay nila ah. 

Hindi parin ako gumising. Hindi ko nga maidilat mga mata ko eh! Hanggang ngayon kasi pagod na pagod parin yung katawan ko. Hindi ko nga ata kaya bumangon. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

"Duh! Kaya nga diba naandito tayong lahat sa kwarto nya para gisingin sya?"

"Guys, sige na.. labas! Mga boys doon muna kayo sa labas pwede ba?"

Narinig ko na biglang sumara yung pinto. Tapos nanahimik naman yung buong paligid. 

Hayy.. salamat! Makakatulog ulit ako ng mapayapa. 

Maya-maya pa ay may biglang humipo sa bandang noo ko tapos lumipat naman sa may leeg ko.

"Shocks, may lagnat siya!

"Dali, Maddie, kumuha ka nga ng maligamgam na tubig. Kumuha ka nalang doon sa banyo, gamitin mo yung heater. Tapos ikaw, Jane, kumuha ka naman ng isang malinis na bimpo sa may drawer dyan. Ikaw naman Yhaz, sabihin mo doon sa mga boys na cancel muna yung lakad natin ngayon kasi may lagnat si Kaitlyn. Baka sa susunod na araw nalang pag magaling na sya. Ako nalang yung kukuha ng thermometer."

Ayun nalang ang huli kong narinig mula sakanila at bigla naman akong nakatulog agad.

~~

JEREMY PAREDES' POINT OF VIEW

"Paano na kaya, hindi sinasadya--" bigla naman akong pinutol ni Karl. Kontrabida. TSK.

"May bukas pa, Jeremy. May bukas pa!" sabi niya. Binigyan nya lang ako ng idea! Okay, handa.. awit!

"May bukas paaa.. sa iyong buhaaay--" ano ba? Bakit may laging hadlang tuwing kumakanta ako? Maganda naman boses ko ah.

"Tumahimik ka muna saglit Jeremy, pwede? So ayun nga, hindi daw tuloy yung lakad natin ngayon kasi may lagnat si Kaitlyn. Baka sa susunod na araw nalang daw pag magaling na siya." explain pa ni Yasmin. Siya na magaling mag-explain. Siya naa!

"Okay na ba siya ngayon? Nakuhaan na ba siya ng temperature?" tanong naman ni Elijah sakanya. Mukha talaga syang worried. Napanghihinalaan ko na sya ah.

Jeremy, tumigil ka. Tumigil ka! Nag-iilusyon na naman 'tong mahiwaga na mahilig sa music 'kong utak. Basta promise ko sainyo, hindi na ako mag-iilusyon. PROMISE and then period.

 "Your over exaggerating, Elijah. Calm down, bro. CALM DOWN! She will be fine. Not now but sooner or later she will. Just don't worry." pinakalma pa siya ni Jaycee. Wow, English!

Kumalma naman kaagad si Elijah. Good boy. Hindi lang naman siya yung good boy eh, kami din kaya!

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon