Chapter 9

151 8 2
                                    

ELIJAH GONZALEZ' POINT OF VIEW

"Do you understand Filipino language?

"Yes. Of course!

"Eh nakakaintindi naman pala ng tagalog. Pinahirapan pa tayo!" sabi naman ni Niel. Tinawanan lang siya ni Grainne. Tinanong ko kasi si Grainne, yung anak ng owner ng hotel na tinutuluyan namin ngayon dito sa Ireland, kung nakakaintindi siya ng tagalog. Karga-karga ko siya ngayon habang nilalaro-laro siya ni Kaye.

"Oh, sorry for that. You didn't asked me though, until now.." tinignan pa ako ni Grainne atsaka binalik kaagad ang kanyang attensyon kay Kaye. Nakikipaglaro din naman siya sakanya. Ang cute nilang tignan.

"Sorry for that. Grainne, right? Your such an adorable kid." puri pa ni Kaye kay Grainne.

"Really? Oh, thank you!" nagniningning pa ang mga mata ni Grainne habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon kay Kaye. Kinurot nalang siya ni Kaye sa kanyang kanang pisngi.

Nga pala, andito parin kami sa dining room. Nakatayo yung iba naming mga katropa, kasama kami ni Kaye sa mga nakatayo. Nakatayo kami sa gilid ng isang wall-sized na bintana.

Pinaiwan muna kasi namin si Grainne sa mga magulang niya, tapos babalikan nalang nila mamaya. Mamaya kasi mamamasyal kami sa mga tourist spots. At ang magiging tour guide namin ay si Mara. Naka-punta na kasi sila dito noon, kaya alam nya na yung mga daan. Papahiramin kami ng sasakyan ni Kuya Brian. Van. Kaya kasyang-kasya kami.

"Ahhm, Guys! Nga pala, mamayang one p.m. tayo aalis. Sinabi ko na din kay Kuya. Nasaakin na din yung susi." paalala saamin ni Mara.

"Pano 'tong si Grainne, hindi sasama?" tanong ni Denver habang kinukuha saakin si Grainne. At sya na din mismo nagkarga sakanya. Tumigil na din si Kaye makipaglaro kay Grainne. Umupo nalang siya ulit doon sa pwesto niya kanina nung nagbre-breakfast kami. Nakikipag-usap siya dun kay Maddie. Umupo naman ako sa tabi nya, sa pwesto ko din kanina.

"Nuh-uh! I don't want to. Bunch of toys are waiting for me." sagot naman ni Grainne kay Denver.

"Yung bata na nagdesisyon. Alam na.." sabi pa ni Sabine na kasalukuyang katabi si Karl.

"Umaatake yung flu! Umaatake yung flu!" bigla namang sigaw ni Niel.

Anong flu? Anong klase? Umatake na nga ba saakin ang flu na 'yon?

Wag naman sana..

~~

YASMIN SANTIAGO's POINT OF VIEW

"Umaatake yung flu! Umaatake yung flu!"

"Hoy, anong pinagsasabi mo dyan? Anong klaseng flu?" tanong ko dito kay Niel. Paano naman kasi, biglang sumigaw.

"Wala na. Kumalat na.." niyugyog ko naman siya bigla pero mahina lang.

"Anong flu?! Nahawa na ba kaming lahat? Sinong nagpakalat?" tanong ko sakanya. Baka kasi mamaya masama yung flu na kumakalat. Itinigil ko na rin yung pagyugyog ko sakanya. Nung pagkatigil ko, binulungan nya naman ako. Pero sapat na para marining ng mga taong malapit saakin. Nasa may couch kami katabi ng lamesa kung saan kami kumain ng breakfast. Kaya malamang, narinig nung iba.

"Love is in the air." pagkarinig ko 'non, tumawa ako ng mahina. Nung mga nakarinig naman, tumawa pa ng malakas pero medyo mahina. Mahirap na, baka maka-istorbo kami sa mga kalapit na kwarto.

Don't Let Me Go // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon