MARA SCHATZ’ POINT OF VIEW
“Kate, pwedeng mahirap cell phone mo?” tanong ko kay Kate. Maganda talaga ‘tong plano ko. Syempre, ako pa! Tawag nga nila saakin “cupid” or “match maker” eh.
“Hmm, bakit? Anong kailangan mo sa phone ko?” tanong nya pabalik. Kahit kalian talaga ‘tong babaeng ‘to, napaka-strict! Kaya walang nagiging boyfriend, tsk. tsk.
Kung hindi nyo naitatanong, ang dami kayang manliligaw nyang si Kaitlyn! Kaso, hindi ata pasok sa standards nya yung mga humahanga sakanya. Ang choosy! Pero, tama din naman sya, dapat piliin mo kung anong o sinong gusto mo. Kaya ako na nga pumili sakanya, oh!
“Ahhm, wala may titignan lang ako. Pretty please?” pagmamakaawa ko sakanya. Mahirap na noh, baka ‘di pa ako pahiramin.
“Sige na nga! Heto oh,” sabi nya at binigay na ang cell phone nya .. YES! “ingatan mo ah!” Don’t worry Kate, para sa future mo ‘tong gagawin ko.
“Oo naman, ako pa!” sabay unlock ng phone nya at..
“Waaaahhh!”
~~
KAITLYN BARRIENTOS’ POINT OF VIEW
“Waaaahhh!” napatakip kaagad kami ng tenga nang biglang tumili si Mara. Grabe, ang lakas ng boses nya!
At heto na ang kanya superhero! Bigla namang tumingin si Denver sakanya. “Bakit? Anong nangyari? Ano bang meron dyan?” sunod-sunod nyang tanong kay Mara habang nakatingin sa cell phone ko. Ano bang meron sa phone ko?
“Ayt. ‘kala ko naman kung ano.” sambit nya pa. Ano ba talagang problema sa phone ko?
“Oh my god! Oh my gaahd! Ang gwapo din pala ni Harry Styles! Ang gwapooo!” at ngayon ko lang na realize … ayun nga pala ang problema! Wallpaper kasi ng phone ko yung picture ni Harry Styles!
“Gwapo daw! ‘Di naman kaya ‘yan gwapo!” sabat naman ni Denver.
“Walang ganyanan Denver! Gwapo si Harry Styles. End of discussion.” sagot ko kay Denver. Tama naman diba, gwapo talaga si Harry?
“Gwapo talaga ‘yang si Harry Styles sabi nung iba. Nanalo siya ng dalawang awards na individual sa Teen Choice Award ngayong 2013, at yun ay ang mga categories na: choice smile at choice male hottie. Isa siya sa member ng One Direction. At siya ang pinaka-bata na member. ‘Di ko alam kung totoo ‘tong mga naririnig ko, pinaka-magaling daw si Harry na kumanta kaysa sa iba.” sabi naman nung Jaycee.
“Uy, ‘di ‘yan totoo ah! Mas magaling kaya si Louis Tomlinson! Gwapo na, cute pa!” sabat naman ni Yhaz.
“Mas lalo naming hindi totoo ‘yan! Mas magaling kayang kumanta si Zayn Malik! Mataas pa boses!” si Sab.
"Tumahimik nga kayo! Hindi sila magagaling, okay? Wala sakanila, kasi mas magaling kumanta si Liam Payne!" sabi naman ni Jane. War na ba 'to?
Habang nagtatalo SILA (Oo, sila. Hindi na ako sumali sa away nila. Sumali narin sakanila si Maddie para makigulo. Basta ang alam ko, si Harry lang. Si Harry Styles!), nakita ko namang nangangalikot na si Mara sa cell phone ko. Habang nangangalikot siya, si Denver at yung ibang lalaki naman, nakikigulo din dun kanila Yhaz. Well, except for Elijah. Pinagtatawanan nya nalang sila.

BINABASA MO ANG
Don't Let Me Go // KathQuen
FanfictionMailalatag ba ng tropa ang lovestory nila Elijah at Kaitlyn? Malalagpasan ba nila ang mga problemang mailalahad ni Tadhana? May mabubuo nga bang MGA lovestory sa daan? O, wala? Paano kung nadamay pa ang tropa at nagkahiwa-hiwalay pa sila? Seventeent...