"Sorry"
***
Deinnielle's PoV:
"Besh where the fvck are you naba?! Kanina pa kami naka tanga dito hanggang ngayon wala kapa!" Isang tumatalak na babae ang narinig ko sa kabilang linya.
"Sorry na ok? Naipit ako sa traffic eh. I didn't know na ganito pala kahirap ang mag commute!" Reklamo ko kay besh. Since when I was born ni hindi ako nakaranas na mag commute. Ngayon lang. Bukod kase sa coding yung sasakyan ko, wala pang driver at tinatamad naman ako mag drive.
"Eh shunga ka naman pala kase eh! Umuwi kapa kasi kagabi alam mo naman na malayo yan sa meeting place natin ngayon! Sana dun ka nalang sa condo mo nag stay kagabi diba?" Sermon pa nito sakin.
Naka rinig pa ko ng pag tawa sa tabi nya. Tatlo nga pala kaming magkakasama ngayon to meet our friends.
"Sorry na 'nay. I'll be there in less than 30 minutes." Sabi ko tsaka ko binaba yung tawag.
Mag rereklamo pa kasi yun. Knowing that friend of mine? Ayaw nya ng pinag hihintay sya ng matagal.
Umusad na din yung traffic nasa medyo maluwag na bahagi na kami ng kalsada ng biglang may tumatakbo at tumawid. Muntik na itong masagasan buti nalang at nakapag preno si Manong. Naka hawak sa hood ng kotse yung tumaktabo nag hand gestures sya na parang nag sosorry tapos tumingin sa likod nya tapos agad ding tumakbo. Hinabol ko sya ng tingin. Ilang sasakyan pa ang muntik ng makabangga sa kanya. Nung makatawid na sya humarap sya dun sa kabilang side at yumukod na parang prinsipe at kumaway habang naka ngiti.
"Iba na talaga ang mga kabataan ngayon." Iiling iling na sabi ni manong. Malapit na din kami sa Mall kaya nag bayad na ko.
Pag dating ko sa meeting place isang naka busangot na Ellise de Jesus ang nakita ko. Sya yung babaeng tumawag sakin kanina. Kasama nya si Fille Mariel Quijano ang pinaka mabait at maloko saming tatlo.
"Buti dumating kapa? Sana sinabi mo na 3 pm ang usapan natin at hindi 12 nn." Mataray na sabi sakin ni Besh. Actually mabait yan, bully pa wag mo lang gugutumin at mabi beast mode talaga yan.
"Naipit nga po kase sa traffic diba? Muntik pang maka aksidente si Manong Driver kanina nung may biglang tumawid." Pag dadahilan ko sa kanya tsaka tumingin kay Fille. Binigyan ko sya ng Nag memenopause-naba-sya-look habang naka nguso kay Besh.
Naka tanggap naman ako ng isang malakas na batok na tinawanan lang namin ni Fille.
"Nag text si Grent punta daw tayo sa bar nya. May bago daw syang dj." Fille said while still looking at her cellphone. Pasimple naman na nag punta sa likod nya si Besh kaya nag pigil ako ng tawa.
"Aha!" Sigaw ni Besh na nag pa rattle kay Fille. "Kaya pala parang ako lang ang bagot na bagot kakahintay sa nag iisang Deinnielle Lopez dahil busy ka sa pakiki paglandian dyan sa magaling mong manliligaw." Sabi ni besh na nagpa mula sa mukha ni Fille.
Inawat ko na silang dalawa bago pa magka pikunan. Kumain muna kami before mag gala. At mamaya sa bar daw ang punta namin.
I'm Deinnielle G. Lopez and welcome to the story of my life.
BINABASA MO ANG
Beautiful Soul
RandomMayaman, maganda, matalino, at mabait. Yan ang mga katangian na madalas kong naririnig patungkol sakin. May supportive, understanding at mapag mahal na pamilya. Pero may isang bagay ako na hindi nailista. SADISTA-Deinnielle G. Lopez Happy go lucky...