"Inlove or not?"
***
We're all here sa pad ni Kim. Actually kakadating ko lang galing sa clinic ni Dad. Andun kasi ulit yung patient nya kaso hanggang ngayon di pa din nagpapakita sakin. Two days ago nadin nung nagpunta si Ly sa unit ko at naabutan kami ni Lance at hanggang ngayon di pa din sya nagpapakita ulit.
Monthsary kasi nila Mela at may konting salo salo syang hinanda dito. Weekend naman at wala kaming work kaya gora nalang. Si Grent ibinilin nalang yung bar sa manager.
"Bro dadating daw ba si Ly?" Sigaw ni Vic from the kitchen. Kaming mga girls nandito lang sa bar counter at pinapa nood sila.
"Oh! She texted me before I fetch Ella. She said she'll just follow 'cause she needs to finish her work and submit it before the deadline." Amy said while cutting some of the ingredients.
"Huwag nyo na munang asahan na dadating yon. Knowing Ly? May babaeng kasama yun kaya ganon. Ang babaero pag babaero, babaero na talaga." Marge said na sa nakakainis na dahilan, nag pa init ng ulo ko.
"Bebs kung di ko lang alam na straight ka iisipin ko nag seselos ka knowing na may ibang babae na kasama si Ly ngayon. Halos mamuti na yang kamay mo sa paghawak sa baso mo ah." Natigilan ako sa sinabi ni Fille.
No! This can't be! She's right! Straight ako. I shouldn't fall for her.
"Ganyan naman tayo lahat bago natin makilala yung mga ungas na yan eh. We WERE all straight. Pero ang puso hindi mo yan mapipigilan lalo na kapag tumibok para sa isang tao na hindi mo naman inaasahan. Kahit anong pigil mo kahit anong gawin mo. Babalik at babalik ka sa tao na laman ng puso mo." This time si Bang na yung nag salita habang naka tingin kay Vic. You can see how much she loves Vic by that look.
"Tsaka remember Deinnielle wala masama sa pag mamahal sa kauri mo. Ly must be a girl but she can do more than a real man can do. Ilang beses ko ng napatunayan yan. At siguradong napaka swerte ng taong mamahalin nya, lalo na kung makikilala nila ang tunay na Ly Collins." It was Mela who said those words.
" At kung sasaktan ka nya sigurado namang andyan ang mga tropa nya para turuan sya ng leksyon. Nakita ko ng minsan yung mga bagay na nakikita ko pag kasama mo si Ly Besh. In fact, your feelings for Ly is much stonger that what you felt for Lance before. Make up your mind. Deep in your heart alam ko na alam mong may puwang na sya dyan sa puso mo." Napa isip ako sa sinabi ni Besh.
Yeah, I'm happy whenever she's around like what I felt whenever Lance was with me before. In fact more than happy than before. I'm still contemplating my thoughts ng biglang bumukas yung pinto.
And there she is. Smiling like no tomorrow. A smile that can melt anyone's heart.
Including mine.
"Yow! Akala ko you're not coming! Girls were asking asking for your presence 'cause someone seems like missing you." Si Kim yon habang nag pupunas ng kamay.
"Nah, Pwede ba naman yon? Besides Maddielyn was there since yesterday sya na daw bahala sa naiwan ko." Di pa din nawawala yung ngiti nito sa labi.
Kelan nga ba kasi nawala yung ngiti sa labi nito?
"Ayon naman pala kasi! May hot chix naman pala kasing kasama. Dude if I were you di ko na din papakawalan si Madds she's a nice girl mabait pa. Mag kakasundo kayo since photography pareho ang gusto nyo." Naka ngiting sabi ni Marge pero tinutulan ni Grent.
"Deinnielle and Ly suits together. They can't deny the attraction they felt for each other. Actions speaks louder than words nga kasi diba? At kitang kita ang ebidensya pag magkasama sila before at sa sinasabi ng mata nila ngayon."
BINABASA MO ANG
Beautiful Soul
RandomMayaman, maganda, matalino, at mabait. Yan ang mga katangian na madalas kong naririnig patungkol sakin. May supportive, understanding at mapag mahal na pamilya. Pero may isang bagay ako na hindi nailista. SADISTA-Deinnielle G. Lopez Happy go lucky...