"One real Smile."
***
Deinnielle's PoV:
Isang mainit na liwanag na tumatama sa mukha ko ang nag pagising sakin. Bukas pala yung kurtina ng kuwarto at hindi ko naisara yun kagabi.
Agad na kong bumangon at naligo bago pa ko maabutan ng katamaran. Kailangan ko na ding mag report ngayon sa trabaho para makapasok ako. Matagal na din kasi akong naka leave.
Two months na din simula ng gabing pinalaya namin ni Lance ang isa't-isa. After that night nag file ako ng leave para makapag pahinga ako. Yun ang kailangan ko. At kagabi lang ako bumalik dito sa pad ko.
After ko maligo at mag bihis lumabas na din ako sa room ko. At tumambad sakin at isang tao na nakadapa habang natutulog sa sofa bed sa living room ng condo ko.
It was Ly. Yung taong nagbigay ng panyo at nagpunas ng luha sa mga mata ko nung gabing sobrang nasasaktan ako.
Kung tutuusin hindi naman kami close na dalawa. We're not friends kahit na pinupunasan nya yung luha na tumutulo sa mga mata ko. Nagkakataon na lagi syang nasa lugar kung saan bigla nalang akong naiiyak.
At kaya nandito to sa unit ko yun ay dahil napa away sya sa mga humahabol sa kanya. Na nagkataon naman na nadoon din ako at paalis sa lugar na yun kaya sumakay sya sa sasakyan ko para magtago. Mag papababa nalang sana sya sa isang kanto na dadaanan namin kaso hindi ako pumayag. Sa estado nya pag napa away nanaman sya at may humabol sa kanya siguradong mapupuruhan na sya. Kaya I insist na dito nalang sya matulog.
Hindi pa sya tulog nung iniwan ko sya kagabi. Ayaw nya ding matulog sa guest room kahit anong pilit ko kaya hinayaan ko nalang sya.
Lumapit ako sa kanya at ginising sya. Bigla naman syang napabalikwas ng bangon habang hinahabol ang hininga nya. Naka yuko sya kaya di ko makita ang mukha nya
"Hey are you ok?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Umangat naman ang tingin nya sakin.
Di ko alam kung imahinasyon ko lang pero parang puno ng takot at sakit yung nakita ko sa mata nya pero kasing bilis pa ito ni flash na nawala. Isang walang emosyong mata at naka ngisi nyang mukha ang nakikita ko kaya di ko alam kung dinuduga ba ako ng paningin ko.
"Ok lang sana. Kaso kung kelan naman nasa mainit na tagpo na kami ng babaeng nasa panaginip ko tsaka mo naman ako ginising." Sabi nito sakin habang naka ngisi ng wagas. Kaya binatukan ko sya. "Aray naman kase ah! Sadista talaga." Hinimas naman nito yung batok nya.
"Puro kase kalokohan yung alam nyang utak mo." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ka!-" tumigil sya at takang tumingin sakin. "Aalis kaba?" Parang alien na tanong nito kaya tinaasan ko sya ng kilay at marahang tumango. Tumayo naman sya sa pagkakaupo nya. "Wait lang ah." Paalam nito at nag punta sa kitchen. Ngayon ko lang napansin. Naka sando nalang pala sya pero suot nya pa din yung pants at sapatos nya.
Duuhh! Malamang ano ine'expect mo eh hindi naman sya nang hiram ng gamit sayo para maka ligo. Sabi ng mahadera kong konsensya.
Paglabas nya ng kitchen tumutulo pa ng konti yung tubig sa mukha nya. Nag hilamos siguro. Habang yung kamay nya ay nag pupunas sa panyo nya na puti at pag katapos at sa mukha naman nya ipinunas.
BINABASA MO ANG
Beautiful Soul
RandomMayaman, maganda, matalino, at mabait. Yan ang mga katangian na madalas kong naririnig patungkol sakin. May supportive, understanding at mapag mahal na pamilya. Pero may isang bagay ako na hindi nailista. SADISTA-Deinnielle G. Lopez Happy go lucky...