Chapter 5

97 7 0
                                    

"This is not a goodbye."

***

Deinnielle's PoV:

Isang mahinang 'What the Hell' yung nasabi ko habang nakikipag suntukan si DJ sa limang naka suit. Susyalen sila ah.

At dahil nga ayoko sa gulo. Nag lakad ako papunya sa car nya at sumandal sa pinto ng shotgun seat. Habang naka halukipkip. Nang mapa tingin ako sa entrance ng coffee shop andun si Bebs na malaki ang ngisi sakin.

She mouthed 'trouble-maker' at tumingin ulit kay Ly. After a few minutes natapos na din sa pakikipag basag ulo yung kasama ko. Nung mapansin ko na titingin sya sa gawi ko tinaas ko yung kilay ko.

Kakamot kamot sa batok syang lumapit sa akin.

"Uh-m ano I want to say sorry for what happened. Tara na?"aya nito sakin tsaka binuksan yung pinto. Pero bago pa ko maka pasok binatukan ko muna sya.

"Trouble maker ka talaga." Sabi ko sa kanya tsaka pumasok sa loob.

Umikot naman sya tsaka nag simula ng mag drive.

"Iba yung trouble maker sa habulin ng gulo." Sabi nito sakin habang nag ddrive.

"Ano naman pinag kaiba non eh pareho lang ang labas nun? Gulo." Sabi ko na inemphasize ko pa talaga yung word na gulo.

"Yung trouble maker kasi sila yung gumagawa ng gulo. Yung habulin ng gulo napapasok lang sila kahit ayaw nila." Dahilan nito kaya binatukan ko ulit sya."Aray naman ah! Masakit ka kayang mambatok!" Sabi nito sakin kaya tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Yung mga sinabi mo kasi isang lang ang kinakalabasan. Nasasangkot ka pa din sa gulo whether you like it or not." Sabi ko dito.

"Atleast hindi ako yung nag sisimula ng gulo. Na love at first sight kasi sakin si trouble kaya ayaw akong iwan." Katwiran pa nito. Hindi na ko sumagot dahil andito na din kami sa grocery store na iniwanan ko ng car ko. Pero bago ko bumaba hinarap ko muna sya.

"Try mong iwasan ang gulo. Maganda din  sa buhay yun." Sabi ko sa kanya tsaka ko tinanggal yung seatbelt ko. Pag tingin ko sa kanya naka tingin din pala sya sakin. At dahil nang gigigil ako.

"Hmmmmmn! Basagulera!" Sabi ko habang pinisil ng pagka diin diin yung pisngi nya. Sabay labas ng kotse nya.

"Arrgghg! Sadista!" Narinig ko pang sigaw nya habang nag lalakad ako papuntang kotse ko.

Ilang minuto pa naka rating na ko sa condo ko. Inayos ko na yung mga pinamili sa cabinet at ref bago ko pumasok sa kuwarto para maligo. Ilang minuto pagkatapos kong maligo nag luto na ko para makakain.

Nag huhugas na ko ng pinag kainan ko ng tumunog yung phone ko. At dahil hindi ko maiwan yung ginagawa ko hinayaan ko na yung voice mail ang sumagot ng tawag.

Hello! This is Dra. Deinnielle Lopez. Sorry I'm currently busy at this moment. Please leave a message after the beat.

Toot!

"Den usap naman tayo oh. Please, I gave you enough time to think. Hear me out please. Let me explain my side. Kahit yun lang. I just wan't to clear out my name. Kahit hindi na yung 'tayo'  yung maibalik ko, kahit yung pagkakaibigan nalang natin. Alam kong nandito ka sa building. Hihintayin kita sa rooftop"

Napa upo ako after kong marinig yung message. It was him. My ex-boyfriend. Sa totoo lang di ko alam ang gagawin ko. Kung pupuntahan ko ba sya kung saan nag hihintay sya o hindi. Tama sya. After I broke up with him, the exact time kung saan nahuli ko sya at ang ex nya na nag hahalikan. Sabi ko di ko pa kayang pakinggang yung explanation nya. Na bigyan nya muna ko ng oras para mag isip. And that was exactly 3 months ago. Sariwa pa din yung sakit na dulot non. Pero hindi ko naman yun pwedeng iwasan pang habang buhay. Kaya bilamg closure na din. Nag ayos ako ng sarili. Isang short at plain shirt at tsinelas pansapin sa paa. Nag desisyon ako na puntahan sya. Para may peace of mind na din kaming dalawa.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon