Chapter 9

66 5 0
                                    

"Please come with me."

***

Deinnielle's PoV

Tok! Tok! Tok! Tok! Ding-Dong! Ding-Dong! Ding-Dong!

Sunod sunod na katok at doorbell ang sumira sa moment ko sa pagligo. Nakatapis ng tuwalya at asar kong binuksan yung pinto.

"What do you want?!" Asar kong sabi kay Ly pero di ako nito pinansin at dere derecho itong pumasok at nag punta sa kitchen. Sinundan ko ito."Hoi! Problema mo kako!" This time tumingin na sya sa akin. Mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha.

"Deym it! Mag bihis ka nga!" Bulyaw nito at biglang tumalikod sakin. I saw how her ears turns red at isang kalokohan ang pumasok sa isip ko.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. At dahil mas matangkad sya tumingkad ako para maabot yung tenga nya.

Whhhoooooohh!

"Holy Fvck!" Napatalon sya palayo sakin after kong hipan yung tenga nya.

"Ang cute mo pag nag b-blush" nakaka loko kong sabi sa kanya.

"Tsk! Panget mo! Mag bihis ka na nga!" Asar na sabi nito tsaka lumipat sa kabilang side para mag timpla ng kape.

Natatawa ko syang iniwanan don. Isang white tank top at black pants ang suot ko. I get my shoulder bag and went to my kitchen para puntahan ang intruder ko.

"Hoi! Ano nga yung problema mo at napa sugod ka dito?" Tanong ko sa kanya. Naabutan ko sya na tinitira yung natira kong niluto kanina.

Close na kami nito. It's been a month simula nung dinala nya ko sa cliff. At di pwedeng di kami mag kikita nito sa isang araw. It's either sa umaga nya ko pupuntahan o sa gabi. At sa maniwala man kayo o sa hindi swerte pag walang pasang naka pirma sa mukha nya.

"Wala akong problema. Napadaan lang ako dito para maki kain." Hindi nakatingin nitong sabi sakin at tuloy tuloy lang sa pagkain.

"Yung totoo? Nag lunch kaba kahapon after mong dumaan dito?" nag dududa kong tanong. Sabi ko kase wag syang mag i skip ng meals.

"Hindi na. Maghapon kami sa shoot kahapon tapos nag raket akong bartender kagabi hanggang kanina. Dito lang talaga ko dumirecho kasi makikitulog na din ako."  Walang ka hiya hiyang sabi nito. Pero kahit ganito sya alam nya yung limitations nya.

"Ok. Mag luto ka nalang ng lunch mo. At paki sara ng mabuti yung pinto pag umalis ka. Aalis na ko." Bilin ko sa kanya tsaka tumayo. Pero nagulat ako nung tumayo din sya.

"Wait lang! Hahatid na kita." Napa taas yung kilay ko sa sinabi nito. Agad nyang inayos yung pinag kainan nya. At lumapit sakin.

"At pano ko makaka uwi mamaya kung ihahatid mo ko?" Tanong ko sa kanya.

"Susunduin kita. Wala naman din akong gagawin eh." Sabi nito tsaka derecho sa pinto upang pag buksan ako.

Nag lakad na ko palabas ng pinto. Nilock nya ito tsaka sumunod na sakin.

"Saan ka ba ngayon? Clinic o sa hospital?" Alam na kasi nya ang nature of work ko. Peri di nya alam na nasa loob ng hospital ang clinic ko. Dun nya ko naihatid nung minsan sa clinic ni mommy kaya akala nya don yung clinic ko.

"Sa hospital. Andon kase yung clinic ko."

"E kaninong clinic yung pinag hatiran ko sayo non?" Halata yung pag tataka sa boses nya.

Beautiful SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon