Chiari's Picture aboveYanah's POV
"Hi." I never expected na makikita ko siyang nandito sa harap ng pintuan ng bahay ni Chiari.
"Ya-Nathalie?" yes. Nandito si Nathalie sa bahay ni Chiari.
I don't know pero pagkakita ko palang sa kanya kumukulo na ang dugo ko. Maybe because sa ginawa niya kay Chiari. Dahil kung hindi niya naman sinaktan ang bestfriend ko hindi sana siya maglalasing at hindi niya sana ako tinawagan edi sana walang nangyari samin. This is all her fault!
"What are you doing here?" Tinaasan ko siya ng kilay. Wala na dapat siyang karapatan pang pumunta dito after what she did to Chiari? Oh come on!
"Umm.. I-I just wan-na umm return this to Cha-chiari." Then she handed me a box.
"And what's thi-"
"You can go now." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsabat ni Chiari. Tsk!
Hindi narin ako magtataka kung cold ang pakikitungo niya dito. She deserves it anyway.
"Are you just gonna stand there all day?" Ewan ko pero naiirita talaga ako sa kanya. Alam mo yung ang sarap nitang sabunutan tapos pira-pirasuhin tapos sunugin at ibaon sa tuktok ng Mt.Everest? Ganyan yung nararamdaman ko ngayon. As in ang sarap talagang totohanin.
"Ah s-sge. I'll go now." Aniya pero hindi naman gumalaw.
"Go! Gusto mo ba ihatid pa kita?" Mataray na sagot ko. Hindi naman siya nagulat. Siguro expected na niyang ganito ang reaction ko.
"Why are you acting like that towards her? Hindi ka naman ganyan." What? Ano bang gusto ng lalakeng to? Eh kung maka cold treatment nga siya dun sa tao tinalo pa ang lamig sa North Pole eh!
"So? She deserves that anyway. At anong gusto mo? Purihin ko siya dahil sa ginawa niya sayo? My God! I'm not your bestfriend for nothing Charz." Nakaka stress.
"Yeah.. but still, ang harsh mo parin sakanya."
Tinaasan ko siya ng kilay. Harsh? Eh ang bait ko pa nga sa lagay na yun eh!
"Ang sabihin mo ayaw mo lang siyang makitang sabihan ng ganon. Kasi nag-aalala ka, kasi mahal mo pa. Asus! Alam kita Charz! Kilalang kilala kit- hey! Ano ba!"
I didn't finished talking again dahil tinapunan niya lang naman ako ng unan! Of course hindi ako papatalo no. I grabbed two pillows at lumapit sakanya at hinampas hampas siya. Kaya ayun nauwi sa pillow fight ang kagagahan naming dalawa.
Halos maubusan na ako ng hangin ng matapos kami. Grabe ang tawa ko hahaha. Ngayon lang ako nakapagsaya ng ganito ulit pagkatapos ng lahat ng nangyari saamin.
I looked at Chiari and our eyes met. I like this feeling.. yung masaya lang, parang walang problema. Yung chill lang happy happy sa life na parang teenager.