HIINDI MAAARING MAGKAMALI SI JESSICA. Kotse ni Tom ang isa sa mga nakaparada sa harapan ng bagong bukas na resto-bar na iyon sa Pasay. kagagaling lang niya sa mabini malate kung saan may ka meeting siyang koreano na magbubukas ng flower shop sa Malate at siya ang supplier ng mga bulaklak. Nai-close niya ang deal at masaya siya.
Ngayon panahon na para tulungan niya ang kaibigan. Siguro ito na ang pagkakataon na kausapin niya si Tom.
Kausapin na balikan si Faye.
Halos mag isang buwan naring hindi na nito binalikan ang kaibigan. At awang-awa siya sa kaibigan. Nagmu-mokmok na lamang ito sa bahay at halos napabayaan na nito ang sarili. Pati ang mga magulang nito at nag-aalala narin. Kahit hindi tamang kausapin niya si Tom para balikan si faye ay gagawin ni Jessica.
Pumasok si Jessica sa loob at kaagad hinagilap ng mga mata si Tom. Nakita niya ito sa isang sulok ng resto-bar at may kausap na babae.
Kahit medyo madilim na iyon na parte ng resto-bar ay alam niyang si Tom ang lalaking iyon na may kausap na babae. At base sa galaw at kilos ng mga ito ay wari'y may relasyon ang dalawa. Ganun lang ba kadali para palitan ni Tom ang kaibigan niyang si Faye?
God damn his black soul!
Kanina ay kampante ang loob ni Jessica para kausapin si Tom .Ngayon ay tila isa siyang bulkan na handa nang sumabog sa galit. Wala na sa isip niya ang kausapin si Tom para balikan si Faye. Sa pagkakataong ito gusto na lamang niyang ipaghigante ang kaibigan.
Mula sa kinarotoonan ni Jessica ay tanaw niya si Tom. Kahit naka-side view ito ay kilalang-kilala niya ang pigura nito.
Nilapitan niya ito. Handang-handa na siya sa gagawin niya dito.
At nang makalapit na siya ay mabilis niyang hinawakan sa braso ang lalaki.
Napatayo ang lalaki.
Nabigla.
Nang maka-buwelo si Jessica ay kaagad niya itong inundayan ng suntok.
Sapol sa mukha ang lalaki.
Napasigaw ang babaeng kausap nito kanina at kumuha ng atensiyon ng iba pang mga taong naroon.
Naging mabilis ang galaw ni Jessica. Bago pa makahuma ang lalaki sa tinamong suntok sa mukha mula sa dalaga ay isa pang suntok uli sa mukha ang pinakawalan ni Jessica. Pagkatapos ay tinuhod niya ito.
Sapol sa pundilyo ang lalaki.
Namilipit ito sa sakit.
"'Yan ang nararapat sa iyo walang hiya ka!" sigaw dito ni Jessica
Ayun at naihiganti na rin ni Jessica ang kaibigan. Ngayon kailangan na niyang lisanin ang resto-bar.
Tatakbo na sana siya palabas ngunit mabilis siyang naagapan ng lalaki sa kamay.
Malakas siya nitong hinila pabalik. Bumagsak ang mukha ni Jessica sa matipunong dibdib ng lalaki.
Saka lamang naaninag ng husto ni Jessica ang mukha ng lalaki.
Oh shit!
He is not Tom!
Now She's in trouble.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...