ALL ALONG it was a fever
A cold sweet hot-headed believer
I threw my hands in the air,
Said show me something
He said if you dare come a little closer…
“May I have this dance?”
Nakatayo ngayon sa harapan ni Jessica si Tristan habang nakalahad sa kanya ang isang palad nito. Her heart pounding. Paano ba niya hihindian si Tristan? All the while ay wala siyang ibang lihim na iniisip kundi’y kung papaano makulong uli sa mga bisig nito. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang mga magkaparehang nagsasayaw ngayon sa gitna. Pagkuwa ay muli niyang ibinalik ang tingin kay Tristan na naghihintay na paunlakan niya.
Well, this is it. Ito na ang pagkakataong magdaiti ang katawan nila ni Tristan. Sa isiping iyon ay naghatid ng konting kilig sa kanya.
Ngumiti siya, sabay abot ng isang kamay niya kay Tristan. Sa pagdaop ng kanilang kamay ay waring bolta-boltaheng kuryente ang gumapang sa pagkatao ni Jessica. She feel so good lalo pa nang hapitin siya ni Tristan sa kanyang beywang padako sa gitna.
Awtomatikong dumako ang isang kamay ni Tristan sa likod ni Jessica at ang isang kamay ay nanatiling nakahapit sa beywang niya nang nasa gitna na sila. She felt tremor inside her nang maramdaman niya ang kamay ni Tristan sa kanyang likod. She can feel his warm.
Waring kusa namang gumalaw ang dalawang kamay niya, her arms went around Tristan’s neck. Pagkatapos ay nag-umpisa na silang sumayaw sabay sa ritmo ng awiting Stay ni Rihanna.
Not really sure how to feel about it
Something in the way you move
Makes me feel like I can’t live without you
It takes me all the way
I want you to stay….
“Jess…” he breath in her ear. “I really love you and…and It’s like hell If I lose you.”
That made Jessica looked up, and Tristan met her eyes. His eyes was so expressive. At hindi alam ni Jessica kung ano ang sasabihin niya. O kung may sasabihin man siya ay waring hindi niya kayang ibuka ang kanyang bibig. Kumakabog parin ang knyang dibdib.
Muli niyang iniyuko ang kanyang mukha at pinakiramdaman na lamang ang bawat galaw ni Tristan.
I really love you and…and it’s like hell If I lose you…Muling rumihestro sa utak ni Jessica ang sinabi ni Tristan. Oh God, kung alam lamang nito kung gaano rin niya ito kamahal at kung gaano kadalas niya itong iniisip. Pero sadyang mapaglaro sa kanila ang tadhana. Hindi na malaya si Tristan.
They were silent for a longer this time. Pareho lamang nila pinakiramdaman ang isa’t-isa.
Oh…the reason I hold on
Oh…cause I need this hole gone
Funny you’re the broken one who needed saving
Cause when you never see the lights
It’s hard to know which one of us is caving…
“Jess, kung bibigyan mo lamang ako ng pagkakataon ay handa kong patunayan na mahal kita.” Basag ni Tristan sa katahimikang namamagitan sa kanila.
Muling tiningnan ni Jessica si Tristan. He was so serious. Dead Serious.
Napalunok siya to cleared her throat. “Masyadong komplikado ang sitwasyon natin Tristan. Masasaktan si Cynthia.” Pagkuwa ay sabi niya.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...