CHAPTER 7
KAHIT medyo masama ang pakiramdam ay hindi nakatanggi si Jessica nang yayain siya ni Faye na samahan ito sa condo unit ni Tom. Kung ano ang sadya ni Faye ay hindi na ito inalam ni Jessica. Hindi parin bumabalik ang alaala ng kaibigan.
Nagulat si Tom nang sila ay mapagbuksan ng pinto. Kaagad silang pinapasok nito, pinaupo at binigyan ng maiinom. Orange juice. Inubos lang ni Jessica ang kanyang orange juice sa baso at nagpaalam kay Tom at Faye na doon na muna siya sa Terrace. Gusto lamang ni Jessica na bigyan ng privacy ang dalawa para makapag-usap.
Mula sa ikadalampung palapag ng gusali ay tanaw ni Jessica ang halos kabuuan ng Makati. Nagagandahan siya sa iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa gabi ng lungsod. Nang mag sawa ay umupo na si Jessica sa upuan na naroon. Kaagad napansin niya ang bulaklak na rosas na nakatanim sa paso. Kulay pula ang rosas at namumukadkad na ito. Bahagya siyang yumuko at inamoy ang bango niyon.
“Mas maganda at mabango kapa riyan, Jessica.”
Gulat na napalingon si Jessica sa pinagmulan ng tinig.
Si Tristan, he stood in the doorway, haft naked. Tanging pajama lamang ang suot nito sa katawan. Mukhang kagagaling lang nito sa tulog dahil medyo magulo ang buhok nito.
Jessica lowered her eyes. She cannot bear to see Tristan haft naked. Pakiramdam niya ay magkakasala lamang siya dahil kung anu-anong naiisip niya habang pinagmamasdan si Tristan sa ganoong ayos.
“Jess…”
Jessica raised her eyes only to find Tristan was just inches away from her. Her knees trembling .Kung hindi siya naagapan ni Tristan marahil natumba na siya sa sahig. Napayapos siya kay Tristan.
Naghinang ang kanilang mga mata.
Nangusap.
Pakiramdam ni Jessica ay aatakihin na siya sa puso. She think her mouth has popped open and she can’t locate her brain or voice.
“You are so beautiful Jessica,” Tristan voice is warm and husky.
“Simula nang mag-engkwentro tayo sa resto-bar ay hindi kana nawala sa isipan ko,” muling wika ni Tristan na magkahinang parin ang kanilang mga mata.
Jessica looked deep into Tristan’s eyes. Pilit niyang inaaninag doon ang sinseridad sa sinasabi nito.
Kung alam lamang ni Tristan ay kung ilang beses na niyang binalikbalikan sa kanyang isipan ang tagpong iyon sa parking lot. Halos gabi-gabi ay kaulayaw niya sa kanyang isipan iyon.
Hindi ka rin nawala sa isipan ko Tristan. Mahal kita at sigurado ako sa naramdaman ko, sa isip lamng iyon ni Jessica. Wala siyang lakas loob para isatinig iyon.
Bakit kong isiwalat ba niya kay Tristan ang kanyang damdamin para dito ay may magandang mangyayari? Maging “sila” ba ni Tristan? Paano si Cynthia? Kaya ba nitong ipagpalit si Cynthia sa kanya?
That’s crap! Nitong linggo ay laman ng balita ang proposal di umano ni Tristan Soriano sa nobya nitong sikat na ramp model na si Cynthia Perez.
At heto ngayon si Tristan. Ano itong mga sinasabi nito sa kanya?
Damn you Tristan!
Gustung-gusto iyong ipagsisigawan ni Jessica sa mukha ni Tristan ngunit nanatiling tikom ang kanyang bibig. Mas nangingibabaw ngayon ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ni Jessica habang halos ay magkadikit ang kanilang katawan ni Tristan.
Tristan leaned in, pressed his body to hers, his lips to hers.
She did not object, but threw an arm around him, pulling him tighter, sinking her tongue into his mouth.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...