CHAPTER 9

5.2K 96 0
                                    

“I WAS THERE pero nang magkaroon ako ng time, while everybody is enjoying the party ay umalis ako at dumiretso dito,” wika ni Tristan na kaharap na ngayon si Jessica. Nasa loob sila ng isang magarang coffee shop sa airport. Matapos makausap ang kapatid ay kaagad nitong binalikan si Jessica at ibinalita sa dalaga na madi-delay ang flight ni Tom. At nang yayain nito si Jessica para mag-coffee ay agad namang nagpaunlak ang dalaga.

“It’s been three months na wala na akong balita sayo, Jess.” Wika ni Tristan matapos sumimsim sa coffee nito. Deritso itong nakatingin sa magandang mukha ni Jessica. Nakaramdam naman ng pagkakaasiwa ang dalaga. Pero pilit iyong nilalabanan ni Jessica. “Pinagtataguan mo ba ako?”

Jessica was quite, looked away from Tristan a moment.

At bago sumagot ay marahang dinampot ni Jessica ang tasa niya at sumimsim dito. Gumuhit ang init ng coffee in her throath down to her stomach. “Bakit naman  kita pagtataguan Tristan? Wala naman akong pagkakautang sa iyo,” Jessica force a smile. She trying to calm herself, dahil pakiramdam niya ngayon ay para siyang prutas na tinatalupan ni Tristan sa pamamagitan ng mga titig nito.

“Hndi nga ba?” Lalong dumiin ang titig ni Tristan sa mukha ni Jessica. Waring pinag-aaralan nito ang bawat sulok ng mukha ng dalaga.

Pasimple namang umiwas si Jessica sa mapanuring tingin na iyon ni Tristan. Muli siyang lumagok ng coffee sa kanyang tasa pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa kaharap na lalaki.

“I tried to call you pero out of coverage lagi ang phone mo,” muling wika ni Tristan.

Laging out of coverage dahil hindi na ginagamit ni Jessica ang number na naibigay niya kay Tristan. Sinira niya ang simcard na iyon at ang ginagamit na lamang niya ay ang number kung saan siya mako-contact ng kanyang mga kliyente.

“Busy lang talaga ako sa mga negosyo ko Tristan,” Wika ni Jessica pagkakuwa. Totoo namang nagiging busy siya this past three months. Ipinukos niya ang kanyang buong atensiyon sa kanyang negosyo dahil ayaw man lang niyang bigyan ng puwang ang pag-iisip kay Tristan. Totoong iniiwasan niya ito dahil naisip ni Jessica na wala ring magandang patutunguhan kong iintindihin niya ang nararamdaman niya para sa lalaki.

Siya rin ang kawawa sa bandang huli. Kaya habang maaga ay gusto niyang suplahin ang nararamdaman niyang ito para kay Tristan.

Kaagad binawi ni Jessica ang isang kamay niya nang ito ay hawakan ni Tristan.

“Sorry Jessica I can’t help it,” wika ni Tristan. “I miss you…I really miss you.” Puno ng pangungusap ang mga mata ni Tristan.

Hindi na naitago ni Jessica ang galit sa kanyang mukha. Gusto na niyang kalimutan si Tristan. But to see him now ay lalo lamang siyang nahihirapan na kalimutan ang lalaki. Dahil sa pakiramdam niya ay lalo lamang tumindi ang pagnanais niyang madama kung paano rin mahalin nang isang kagaya ni Tristan. And  yes, she miss him too. She miss him like crazy! Kung alam lamang nito na kahit sa kabila ng kanyang pagpupursigeng kalimutan ito ay lalo lamang siyang nangungulila. She misses those sweet kisses and his touched.

“Why you do this to me Tristan?” matatalim na mga tingin ang pinupukol ngayon ni Jessica kay tristan. “May nobya ka bakit mo ako pag-uukulan ng ganitong atensiyon?”

“Because I love you Jessica. Ikaw ang babaeng pinapangarap kong makakasama.”

“That’s bullshit!” Hindi na napigilan ni Jessica ang pagtaas ng kanyang boses na kumuha ng atensiyon ng ibang mga  naroon. Pero saglit lamang na napatingin ang ibang costumers sa kanilang dako. “Don’t make it hard for me Tristan.” Pagpapatuloy ni Jessica.” Ayokong maging dahilan ng paghihiwalay ninyo ni Cynthia. I don’t know her pero alam ko kung gaano ka kamahal ni Cynthia.”

PAHIRAM NG ISANG UMAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon