HINDI yata kayang kontrolin ni Jessica ang kanyang sarili nang mahagip ng knyang paningin si Tristan. May hawak itong kopita habang matamang nakatingin sa kanyang kinaroroonan. Halos hindi siya makahinga sa bilis ng tibok ng kanyang puso. She felt like she was having a heart attack.
Is Tristan alone? Iyon kaagad ang katanungang tumimo sa isipan ni Jessica. Hindi niya nakikita si Cynthia na kasama ni Tristan.
Ngumiti si Tristan sa kanya. His smile is so sweet. At hindi alam ni Jessica kung ngingiti rin ba siya o hindi. Pinakiramdaman niya ang kanyang puso, mabilis parin ang pintig nito.
Ang mabilis na pintig ng puso ni Jessica ay naging eratiko at lalo pang bumilis nang papalapit si Tristan sa kanyang kinaroroonan. He looked every inch a man any woman would die to be with. Lalo itong gumuwapo sa pormal nitong suot. Bumagay dito ang suot nitong long-sleeved polo na kulay skyblue. Naka-tucked-in iyon sa wool black pants nito.
Napalunok si Jessica. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang kanyang lalamunan. Nang makitang may laman pang inumin ang kanyang baso ay mabilis niya iyong dinampot at ininom ang laman niyon.
“I am glad I see you here Jessica,”His voice was deep and little husky. Tinig na sa tuwinang maririnig ni Jessica ay parang kinikiliti ang kanyang tainga na umaabot hanggang sa kanyang puso. “Can I sit here in front of you Jess?” Pagkatapos ay masuyong tanong ni Tristan. Napangiti pa ito nang Makita ang isang tangkay ng white roses sa ibabaw ng mesa na ipinasuyo pa nito sa isang waiter para maiabot kay Jessica.
“Y-yes sure,” wika ni Jessica. Hindi parin humuhupa ang bilis ng tibok ng kanyang puso. But she still managed to smile. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata.
“How are you, Jess?” Pagkuwa ay tanong ni Tristan ng makaupo na ito sa upuang nasa kabilang panig ng mesa paharap kay Jessica. Mataman nito ngayong tinititigan si Jessica na lalong ikina-consious ng dalaga.
“I’ am Fine,” sagot naman ni Jessica na pilit ngayong kinokontol ang sarili.
“Mula kanina nang Makita kita ay napapansin kong wala kang kasama,” wika ni Tristan na hindi parin hinihiwalay ang tingin sa mukha ni Jessica. “Kaya nilapitan na kita, siguro naman ay walang magagalit?”
Sinalubong na ng tingin ni Jessica ang paningin ni Tristan at ang sabi, “Sa akin walang magagalit pero sa iyo sigurado akong may magagalit.”
“Si Cynthia?”
“No other than.”
“She’s not here. Nagkaroon ng komplikasyon sa time niya. She’s supposed to be here dahil bestfriend n’ya si Lynette pero na-phostpone ang show nila kahapon sa Baguio kaya ngayon itinuloy at hindi niya iyon mahindian. Kaya ako na lamang mag-isa ang dumalo rito. And I am so happy when I see you here Jess.” May kakaibang kislap sa mga mata ni Tristan sa huling tinuran nito.
Ewan, pero lihim na iknatuwa ni Jessica ang narinig. Nagdiwang ang kanyang puso.
“I was invited here kasi isa ako sa supplier ng mga bulaklak sa flower shop ni Mr. Yun. Isasama ko sana dito si Faye but she got sicked kaya ako nalang ang pumunta dito. And what a coinsidence pareho tayong walang kasama!” Oh damn, why in hell had she said that? It sounded if is she were interested in—
“Yeah, you are right, what a coinsedence!” Lumapad ang ngiti ni Tristan. “You like more drinks Jess?” Pagkuwa ay tanong ni Tristan ng mapansing wala nang laman ang baso ni Jessica.
“Yes please…”
“Ok I’ll get you some. Just stay here okay?”
“Okay.” Lihim na natawa si Jessica. Pakiramdam niya ay takot na takot si Tristan na mawala siya sa paningin nito, which is gustung-gusto niya ang mga inaasal ngayon ng binata. Sa sandaling ito ay hindi na mabilis ang pintig ng kanyang puso. Naging kampante na siya ngayon. Aaminin niya, gusto niya ang pagkakataong ito. Tristan and her were in the function room at the engagement party with a good ambiance and they both dressed for the occasion. Parang nagdi-date lamang sila. Parang kinikiliti ang puso ni Jessica sa isiping iyon. May kong ilang beses narin niyang nilalaro sa kanyang isipan na nagdi-date sila ni Tristan. And sometimes she was trying to imagine how she would feel if she were in Cynthia’s place. Wow, she would feel heaven! Pero hanggang pangarap na lamang siya. Sa isiping iyon ay nalungkot na naman si Jessica.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...