Chapter19

4.2K 72 2
                                    

“PLEASE Jessica, bigyan mo naman ako ng pagkakataon na Makita kang muli at makausap.” Ang buong pagmamakaawang pakiusap ni Tristan kay Jessica ng tawagan nito ang dalaga.

“Wala na tayong pag-uusapan Tristan, kaya wala nang dahilan para magkita tayong muli. Patahimikin mo na ako.” Sagot naman dito ni Jessica. Buo na sa loob niyang hindi na makipagkita kay Tristan. Masakit man sa kanya ang nangyari ngunit kailangan niyang tanggapin ang katutohanang kahit kailan ay hindi maging sila ni Tristan. Tama na ang minsang naipadama nila sa isa’t-isa ang pag-ibig. Mananatili na lamang iyong isang magandang alaala na minsan ay nakatagpo siya ng isang pag-ibig. Kahit panandalian lamang iyon—at kahit nag-iwan iyon ng pilat sa kanyang puso—ngunit sa sandaling iyon alam niyang wagas at tunay na pagmamahal ang kanyang naramdaman.

Sa mga sumunod na araw ay hindi na muling tumawag pa si Tristan kay Jessica. Hindi rin ito nagtangkang puntahan siya sa alam nitong lugar kung saan siya matatagpuan. Mahigpit din niyang binalaan si Tristan na huwag siyang puntahan sa bahay niya dahil ayaw niyang malaman ng mga tao sa pamamahay niya ang panandaliang pakikipagrelasyon niya dito. Kaya hanggang sa mga sandaling iyon ay walang kaalam-alam ang mga taong itinuring na niyang pamilya ang nangyari sa kanya. Hindi rin niya nabanggit kay Faye ang sakit na iniinda niya sa puso nang tumawag sa kanya ang matalik na kaibigan. Sinarili na lamang niya iyon. At ang pakiramdam niya ay parang sasabog ang kanyang dibdib. Lihim na iniiyak na lamang niya iyon sa tuwing sumasapit ang gabi. Sa paraang iyon kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya sa puso.

“Ate…”

Mula sa pagkakatutok sa monitor ng kanyang loptop  ay umangat ng paningin si Jessica. Dagli nitong hinubad ang eye glass na ginagamit  sa tuwing nagbababad sa kanyang loptop. Ang kanyang pinsan na si Ana ang nasa kanyang harapan ngayon at tila may gusto itong sabihin. Mukhang may kagalit ito sa labas ng shop dahil  sambakol ang pagmumukha nito.

“May kailangan ka ba, Ana?” Tanung niya rito.

“Ikaw nalang kaya ate Jessica ang humarap sa isang custumer doon. Ubod kasi ng arte, eh. Sarap hambalusin ng mga bulaklak ang pagmumukha ‘non.”

Sa tingin ni Jessica ay talagang yamot na yamot ang pinsang si Ana.

“Regular customer ba iyon? Dapat pinagpasensyahan mo na Ana.” Parang gusto niyang pangaralan itong pinsan niya. Minsan wala talaga itong pasens’ya sa mga customer. Ito ang ugaling inaayawan niya kay Ana. Pero bukod doon ay mabait at masipag naman ito.

“Bagong customer siya ate Jessica. Parang napadpad lang yata ang babaeng iyon dito  para mang-inis ng tao.” Nakasimangot pa ring turan ni Ana.

“Ok ako nang haharap doon.” Bago tumayo sa kanyang kinauupuang swivel chair ay inayos muna ni Jessica ng bahagya ang kanyang sarili. At sa paglabas niya ay parang gustong bumalik ni Jessica sa kanyang upuan ng Makita ang babae na tinutukoy ni Ana. Si Cynthia. “Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa dito?” Wika ni Jessica sa isip. Para ano na hindi niya kaharapin ang babaeng ito? Hindi siya takot kay Cynthia. Kasalanan man nang patulan niya si Tristan pero tapos na iyon. Wala siyang dapat ikatakot sa babaeng ito. Kung naririto ito para sumbatan siya sa pagpatol niya sa nobyo nito—teka, ano kaya ang pwede niyang sabihin dito kung sakaling sumbatan siya ni Cynthia? Ah, bahala na si batman. Taas ang noo na nilapitan niya si Cynthia.

“What can I do for you, Miss Cynthia Perez?” Pinilit niyang huwag nerbiyosin. Pero sa totoo lang pilit man niyang pinapakalma ang kanyang sarili hindi parin niya maiwasang hindi kumabog ang kanyang dibdib. Minsan na silang nagkainkwentro nito.

Si Cynthia ay napatuwid ng tayo nang Makita si Jessica. Kaagad naningkit ang mga mata nito. “Ang pagkakataon nga naman, oo. Kumusta ka ngayon Jessica?” Sarkastikong tanong ni Cynthia. Katulad sa una nila nitong engkwentro sa airport ay tiningnan siya nito mula taas hanggang baba at mula baba hanggang taas. Sino ito para pagmalakihan siya? Pinagmamalaki ba nito si Tristan dahil mukhang nasilo na nito? Well, kung alam lamang nito na ang Tristan na pinagmamalaki nito ay minsan ring naging kanya.

PAHIRAM NG ISANG UMAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon