Chapter 20

4.8K 91 3
                                    

Bigla kumabog ang dibdib ni Jessica ng makita si Tristan. Hawak nito ngayon sa kamay si Cynthia para pigilin ito sa gagawin sa kanya. Nagmukhang piyesta sa shop niya ng umagang iyon.

“What do you think are you doing, Cynthia? Are you going to kill somebody?” Kahit medyo mahina at pigil ang tinig ni Tristan ay tila rumirehistro iyon sa bawat himaymay ng utak ni Jessica. Like the first time, nang una niya itong Makita at marinig ang tinig nito na nagpainog kaagad sa kanyag mundo. It sounds cliché pero tila nararamdaman na naman niya ito uli ngayong nakita na naman niya si Tristan. Why, oh, why? Gusto na niya itong kalimutan. Pero diyaskeng puso ito at hindi natutoto.

“Talagang gusto ko siyang patayin Tristan, para mawala na ang kontrabida sa buhay natin. I want her to disappear!” Nagpupumiglas si Cynthia sa pagkakahawak dito ni Tristan.

“Will you please shut up! Hindi tama itong ginagawa mo Cynthia. Pumunta ka ba dito para manggulo?” Galit na galit ang tinig ni Tristan.

“Pumunta ako dito para mamili ng mga bulaklak  at hindi manggulo and it’s happen na ang shop ng haliparot na ‘yan ang napili kong pagbilhan. Kung alam ko lamang na pag-aari n’ya ang shop na ito nungkang tutuntong ako dito.  Kung anu-anong salita ang binabato sa akin.” 

Tatalikod na sana si Jessica para iwanan ang dalawa nang marinig niyang tiniwag ni Tristan ang kanyang pangalan. Napatigil siya Sa kanyang paghakbang pero hindi siya lumingon.

“Jessica…” Muling tawag sa kanya ni Tristan. Oh God, why she got still this feeling na gustung-gusto niyang tumakbo palapit dito at yakapin? She miss him so much! Pero kailangan na niyang kalimutan si Tristan.

“Tristan kung ayaw mong makapatay ako dito, umalis na tayo rito.” Tinig uli iyon ni Cynthia. Hinaltak nito pabalik si Tristan ng akmang susundan ng lalaki si Jessica. Si Jessica naman ay nagpatuloy sa paglalakad papasok sa shop.

Sa loob ng shop, dahil nagtanung si Ana tungkol sa nangyari  ay napilitang ikinuwento ni Jessica ang naging ugnayan nila ni Tristan. Sinabi din niya dito na tinuldukan na niya ang relasyon nila ni Tristan.

“Alam kong mali ang ginawa kong pagpatol kay Tristan kahit alam kong may girlfriend na ito, Ana. Hindi mahal ni Tristan ang babaeng iyon. Ako ang mahal ni Tristan pero…pero mali pa rin ang ginawa ko. Kaya ng malaman kong buntis si Cynthia ay nilayuan ko na si Tristan.” Maluha-luha si Jessica habang sinasabi iyon. Hanggang ngayon ay may kirot pa rin siyang nararamdaman sa puso.

PAHIRAM NG ISANG UMAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon