CHAPTER 6

6K 102 1
                                    

NADATNAN ni Jessica na pinagagalitan ni Mrs. Gascon ang katulong sa bahay na si Viola.

“Di ba sinabi ko naman sayo na linisin mong mabuti ang kuwarto ni Fay at lahat ng mga bagay na magpapaalala kay Faye tungkol kay Tom ay tanggalin mo?”

“Ginawa ko naman ang sinabi ninyo, ma’am.” Mangiyak-ngiyak si Viola. Ngayon

lamang ito napagalitan ng ganito ni Mrs. Gascon.

“Eh, bakit may nakita pa roong picture si Faye na kasama si Tom at iyong naghahalikan pa!”

Galit na galit si Faye nang malaman ang ginawang pagsisinungaling ng mga magulang tungkol sa totoong kaugnayan nito kay Tom. Kaya galit din si Mrs. Gascon kay Viola dahil sa kapabayaan nito. Kung nilinis lamang nito ng maayos ang kuwarto ni Faye at tinanggal lahat ng mga bagay na hindi puwedeng makita ni Faye ay hindi nito malalaman ng totoong kaugnayan nito kay Tom Soriano.

Nasapo ni Mrs. Gascon ang noo nito. Pakiramdam ng ginang ay aatakihin ito sa puso. “Oh Jessica mabuti at nandito ka. “ wika nito nang mapansin ang presensiya ni Jessica.

“Kumusta naman si Faye, tita?”

“Nasa kanyang silid siya at umiiyak. Galit na galit sa pagsisinungaling namin ng Daddy n’ya. Please Jessica kausapin mo ang iyong kaibigan. Hindi na kasi kami pinakikinggan ng Daddy n’ya.”

“Opo tita.” At tumalima si Jessica.

Nadatnan ni Jessica si Faye na padapang nakahiga sa kama nito at subsob ang ulo sa unan habang kinakausap ito ng ama.

“Tito ako na po ang kakausap sa kanya.” Mahinang wika ni Jessica kay Mr. Gascon.

“Salamat iha.”

Nang makalabas na ng silid si Mr. Gascon ay umupo si Jessica sa gilid ng kama ni Faye.

“Are you okay Faye?” Marahang tanung ni Jessica.

Umiiyak at galit ang mukha na hinarap ni Faye si Jessica. “What do you think, ha? I am ok? Ofcurse I am not okay! Bakit nagsinungaling ka rin sa akin? Tom is not just a friend. He is my boyfriend!”

“I am sorry Faye kung nakiayon ako sa ginawang pagsinungaling ng iyong mga magulang. Magulang mo sila at iniisip din nila ang mga bagay na nakakasama sa iyo at mga bagay na nakakabuti sa iyo.”

“That’s bullshit! Karapatan kong malaman iyon. I am trying to figure out something missing in my life pero naglihim kayo at nagsinungaling sa akin. I can’t move on. Nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Oh God, hindi ko na alam ang gagawin ko!”

Niyakap ni Jessica si Faye trying to calm her down. Napayakap naman sa kanya si Faye at humagulhol sa kanyang balikat.

“Don’t you worry Faye, everything will be ok. Just be patient manumbalik rin ang iyong alaala.”

LUNES alas siyete emedya ng umaga ay minamaneho ni Jessica ang kanyan kulay maroon na van para mag-deliver ng ibat-ibang  klaseng mga bulaklak sa shop ni Mr. Kyun-su Hoang sa malate Maynila. First time na magdi-deliver siya sa shop ni Mr. Hoang kaya siya na mismo ang magdi-deliver pero kasama din niya ang kanyang delivery boy na si Paulo.

“Okay lang ba kayo ma’am Jessica? Mukha yatang pagod kayo, eh.” Sabi ni Paulo nang mahampas niyang bahagya ang manibela ng sasakyan.  Mahaba kasi ang traffic sa parteng iyon ng Bacoor. Halos may kalahating oras nang hindi umuusad ang mga sasakyan. Nang silipin ni Jessica ang oras sa kanyang relos ay naghuhudyat na sa ika walo ng umaga. Alas otso ang usapan nila ni Mr. Hoang pero pag ganito kahaba ang traffic talagang madi-delayed ang delivery nila. Ayaw pa naman niyang masira sa koreanong iyon.

PAHIRAM NG ISANG UMAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon