Chapter18

4.4K 76 0
                                    

                                        CHAPTER 18

HALOS HINDI na maaaninag ni Jessica ang tinatahak ng kanyang sasakyan. Hindi rin niya alam kung saan at anung lugar na iyon ang tinutumbok nito. Panay pa rin ang kanyang pagtangis. Naninikip rin ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya, any moment ay sasabog iyon.

Her heart turned into pieces.

“Hindi ko alam kung anak ko ang dinadala ni Cynthia.” Naalala pa niyang sabi ni Tristan kanina bago siya tumalilis ng alis sa kabila ng mga pagmamakaawa sa kanya ng binata. “Everytime we slept together I used protection dahil ayokong mabuntis ko siya dahil ayokong magkaroon ng obligasyon sa kanya habang buhay. Jessica ikaw ang gusto kung makasama sa buhay. Ayokong matali kay Cynthia. Jess, magtanan na lang tayo. Lumayo tayo at bumuo ng pamilya.”

“Alam mo ba ang pinagsasabi mo, ha, Tristan? Buntis si Cynthia at kailangang panagutan mo iyon!” Ang panunumbat pa niya kanina habang patuloy sa pagtangis. Masakit sa kanya na malamang nabuntis ni Tristan si Cynthia. Masakit sa kanya dahil umasa siyang magkakaroon din sila ng pagkakataon ni Tristan na mabigyang puwang ang kanilang pagmamahalan sakaling mahiwalayan na nito si Cynthia.

Sakali.

Pero umasa siya.

Ngayon heto siya at durog na durog ang puso.

Masisi ba niya si Tristan o si Cynthia?

How stupid she was! Walang siyang ibang masisisi ngayon kundi’y ang sarili niya mismo. Alam niyang may nobya na si Tristan pero pumatol pa rin siya rito. Oo nga’t hindi mahal ni Tristan si Cynthia pero hindi pa rin tama na pumatol siya kay Tristan kahit pa na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Ngayon ano ang napala niya? Siya rin ang gumawa ng daan para siya ay masaktan. Hindi niya masisisi si Tristan o si Cynthia sa sinapit niya ngayon. At hindi rin niya maaaring kasuklaman si Tristan kahit pa na hindi nito natupad ang pinangako nito sa kanya. 

“I’m so stupid!” gigil na sabi niya kasabay ng marahas na pag-apak sa accelator ng sasakyan. Lalong bumilis ang takbo ng kanyang sasakyang minamaneho. Para lamang itong gumuhit sa kahabaan  ng highway. Mabuti na lamang at walang masyadong mga sasakyan sa bahaging iyon ng highway. “Napaka tanga ko na umasa pa! Napakatanga ko!”

Hindi na namalayan ni Jessica ay napadpad na siya sa isang liblib na lugar. Hindi niya alam kung anong lugar iyon. Nakaramdam siya ng takot nang mapansing puro nagtatayugang puno kahoy ang nasa kabilang panig ng makipot na daan na iyon. Paano kung may masamang tao na makakita sa kanya rito at gawan siya ng masama? Naku po, Diyos ko! Kahit pa na nasasaktan siya ngayon ay mahal pa rin niya ang kanyang buhay. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ito.

Lumuwag-luwag na rin ang dibdib ni Jessica sa takot nang makabalik na siya sa highway. Ngayon ay wala nang luha sa kanyang mga mata pero naroon pa rin ang hiwa sa kanyang puso sanhi ng katuturang hindi na kahit kailan man matutupad ang hangad nila ni Tristan na mabigyan ng puwang ang kanilang pagmamahalan.

Ang daan na dapat tumbukin ng sasakyan ni Jessica pauwi ay lumihis ang dalaga dito. Ayaw pa niyang umuwi ngayon. Bigla ay sumulpot sa kanyang isipan na pumunta sa Batanggas kung saan naroon ang private resort ng kaibigang si Faye. Wala doon ang kaibigan dahil pumunta ito sa Canada kung saan nabalitaan nitong naroon si Gerald. Hanggang sa pagkakataong ito ay hindi pa rin bumabalik ang alaala ni Faye. Minsan na siyang nagawi sa private resort ng kaibigan at maganda ang lugar na iyon. Ngayon gusto niyang puntahan ang lugar para makapag-isip ng mabuti at para maibsan rin kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

“Ma’am Jessica ikaw ba iyan?” Ang medyo gulat na wika ni Mang Poldo ang care taker ng La Isla Resort na pag-aari ni Faye. Kilala na rin siya bilang isang matalik na kaibigan ng amo nitong si Faye.

PAHIRAM NG ISANG UMAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon