Chapter 15

4.6K 74 0
                                    

                                       CHAPTER 15

OH DAMN! Lihim na mura ni Jesicca. Nakalimutan niya ang kanyang pantyliner sa kanyang maliit na shoulder bag nang pumasok siya sa bathroom. Wala siyang magawa kundi ang lumabas sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Dahil sa medyo may kaiklian ang tuwalya ay kalahati lamang ng kanyang mabilog at makinis na legs ang natatabunan nito. Nang lumabas na siya sa bathroom ay nakita niyang nakatayo si Tristan paharap sa bintana at may kausap ito sa cellphone. Base sa narinig niyang pakikipag-usap ay alam niyang si Cynthia ang kausap nito. Ewan ba kung bakit may kurot siyang nararamdaman sa kanyang puso. Parang hindi niya nagugustuhan ang pakikipag-usap ni Tristan sa nobya nito. Damn her stupid feelings! Of course kailangan nitong kausapin ang nobya nito. Parang gusto niya ngayong pangaralan ang kanyang sarili sa narararamdaman niyang pagseselos. May karapatan na ba siyang magselos ngayon? Sapat na bang idahilan ang nangyari sa kanila ni Tristan para magselos? Oo nga’t may mga ipinangako sa kanya si Tristan pero hindi pa nito natutuldukan ang relasyon nito kay Cynthia. At pihadong hindi rin ito makikipag-break through cellphone.

“Ok I would be there, just stay there at susunduin kita.” Iyon ang malinaw na narinig niyang  sabi ni Tristan kay Cynthia.

Dali-daling dinampot niya ang kanyang maliit na shoulder bag na nakapatong sa bedside table at bumalik sa banyo. Minadali niya ang kanyang pagbihis. At matapos mapatuyo ang basang buhok sa pamamagitan ng hair dryer na naroon ay naghalungkat na siya sa kanyang bag para maglagay ng konting lipstik sa labi at foundation sa kanyang mukha. Pagkatapos ay nag wisik rin siya ng konting pabango. Hindi na siya nagsuklay dahil maayos naman ang pagkatuyo ng kanyang hanggang balikat na buhok. Bago lumabas ay pinasadahan muna niya ang kanyang mukha sa salamin na nasa bathroom. Isang maganda at kaakit-akit na imahe ang kanyang nakikita roon. Nang masigurong maayos na ang kanyang sarili ay lumabas na siya.

Nakita na niyang nakaupo si Tristan sa upuan na nakaharap sa kama at bintana ng hotel. He got out of his chair and stood there in front of her.

“You smell so good,” Napakatamis ng ngiti ni Tristan sa kanya habang hinahaplos nito ang buhok niya. She feels so good. Dahil sa sobrang lapit ni Tristan sa kanya ay naaamoy din niya ang bango nito. Pero alam niyang hindi pa ito nakapag-shower. The scent she smell from him was his natural scent. Iyong klaseng bango na waring pati ang kanyang katinuan ay hinihigup nito. And Tristan looked liked he is exposed to the heat of fire. Ramdam niya iyon ng ipaikot nito ang isang kamay nito sa kanyang beywang pressing her to him, while the fingers of his other hand softly trace her face, gently probing, examining her. His thumb brushes her lower lip. Dinig niya ang pagbigat ng hininga nito. He’s staring into her eyes, and she hold his burning gaze for a moment.…but eventually her attention is drawn to his kissable lips. Oh God, why this man always looked so hot kahit hindi pa ito naliligo—kahit  medyo magulo pa ang buhok nito?

“You know what Jess, you are the best thing that ever happen to me.” Ang sabi ni Tristan na hindi parin inihihiwalay ang tingin nito sa mukha ni Jessica. “Hinding-hindi kita pakakawalan. Kailangan kita dahil mahal na mahal kita.” Dugtong ni Tristan.

“I love you too Tristan.” Tugon naman ni Jessica sa madamdaming tinig. Gusto pa sana niyang magsalita subalit natigil ito ng halikan siya ni Tristan. Isang malalim at mainit na halik na nagpaikot na naman sa kanyang katinuan. His lips always taste liked candy. Kaya siya ay tangay na tangay sa mga halik na iyon ni Tristan.

“I’ve always dream this Jess simula ng makilala kita.” Wika ni Tristan matapos pakawalan ang malalambot na labi ni Jessica. “ At ngayong nagkatotoo na ito ay ayoko ko nang matigil pa ito. I would never let anyone take you away from me.” At muli siyang kinulong ni Tristan sa mga bisig nito and kissed her, harder this time—then his phone rang—somewhere.

Hindi alam ni Jessica kung ano ang maramdaman ng pakawalan siya ni Tristan at sagutin ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng bedside table. May mas interesting pa ba kaysa sa paghahalikan nilang dalawa?

“Cynthia don’t be so stubborn,” Ang narinig niyang wika ni Tristan nang sagutin nito ang tumatawag. So it’s Cynthia again. She frowned with frustration. Gustung-gusto na niya ang halik ni Tristan  at tangay na tangay na siya pero biglang tumigil ito dahil sa isang tawag. Dahil kay Cynthia. Naninibughong napaupo siya sa gilid ng kama. “Diba sabi ko sa iyo ay hintayin mo ako dahil susunduin naman kita?” Dugtong ni Tristan. “Ang sabi mo ay masama pa rin ang panahon d’yan sa Baguio at lalong makakasama sayo kung magda-drive ka pa. Buhat d’yan ay didiretso na tayo sa iyong doctor para masuri ang iyong kalagayan.”

So Cynthia is sicked. At heto si Tristan, alalang-alala dito. Waring piniga ng isang malaking kamay ang puso ni Jessica. Tumitindi na yata ang nararamdaman niyang pagseselos kay Cynthia.

“M-may sakit ba si Cynthia?” nagawa pa niyang itanong nang tapusin na ni Tristan ang pakikipag-usap kay Cynthia. Alam niyang may sakit ang babae ayon sa naririnig niyang pakikipag-usap dito ni Tristan, she just only making a conversation para mapagtakpan ang sakit na unti-unti ngayong nagnanaknak sa kanyang kalooban.

“Yes.” Tugon ni Tristan. “So are you ready Jess? Ihahatid na kita.”

Oh no, and he want to get rid of her? Nagsasawa na ba si Tristan sa kanya?

Parang piniga na naman ng isang malaking kamay ang puso ni Jessica. Pumakawala siya ng isang mahabang hininga para paluwagin ang dibdib. Napayuko siya nang maramdamang hinuhuli ni Tristan ang kanyang mga mata. Ayaw niyang Makita nito ang pait sa kanyang mga mata. Her eyes almost instantly filled with tears.

No, no, no…

Oh, please, don’t let him notice…

But she know he did…

Nilapitan siya nito at pilit hinuhuli ang kanyang paningin. At wala na siyang magawa but to looked at him, and her eyes were watery and her nose was red. “Nakakahiya ka Jessica.” Lihim niyang paninita sa sarili.

“Oh God Jess, para saan ang mga luhang iyan? May may dinaramdam ka rin ba?” Puno ng pag-aalala ang tinig ni Tristan.

Shit, Tristan nasasaktan ako dahil nakikita kong sobra ang pag-aalala mo kay Cynthia! Gustung-gusto niya iyong ipagsigawan ngunit sinarili na lamang niya iyon.

“Wala ito Tristan, masaya lang ako.” Pagsisinungaling niya.

“You sure?”

“Yes.”

Ngumiti si Tristan.

Ngumiti rin siya.

Pilit.

Saglit na nagpaalam si Tristan sa kanya para pumasok sa bathroom. Ang sabi nito ay maghihilamos lang ito at pagkatapos ay aalis na sila.

“Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid Jess?” Tanung ni Tristan nang nasa parking lot na sila ng hotel.

“Ano ka ba may sasakyan rin ako, ano?” Natatawang wika ni Jessica. “Susunduin mo ‘kamo si Cynthia sa Baguio malayo-layo rin iyon kaya dapat ay umalis kana.”

“Ang sa akin lang naman eh, kung gusto mong ihahatid kita.” Natatawa ring wika ni Tristan.

“’Wag ka ngang magpatawa.”

“Sabi nila ang cute ko daw magpatawa.” Hirit pa ni Tristan.

“Haha! Cute ka nga!”

Natawa silang pareho. Pagkuwa ay sumeryuso si Tristan. Tinitigan si Jessica at ginagap ang dalawang kamay ng dalaga.

“Mahal na mahal kita Jess. You make me very happy.”

“Mahal din kita  Tristan. Mahal na mahal.”

At sa muli ay naghinang ang kanilang mga labi.

PAHIRAM NG ISANG UMAGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon