PAHIRAM NG ISANG UMAGA
CHAPTER 21
“TOM, is that you?” Hindi makapaniwala si Jessica na nasa harapan niya ngayon si Tom. Matagal na ring wala siyang balita dito. “How are you?”
“I am ok, Jess. See, I am still alive!” Sinabayan pa iyon ni Tom ng tawa. “Siguro masama akong damo kaya hanggang ngayon ay buhay pa.”
“You mean, magaling ka na?” Iyon kaagad ang naitanong ni Jessica dahil hindi siya makapaniwala na ganito na si Tom kasigla.
“Maybe we can talk… some other time Jess, pagkatapos ng kasal ng brother ko. Bakit hindi ka pa bumababa d’yan. C’mon mag-uumpisa na ang kasal.”
“Actually napadaan lang naman ako dito, Tom.” Pagsisinungaling ni Jessica. “Pero kailangan ko nang umalis dahil may mga importanteng bagay pa akong asikasuhin.”
“Ganoon ba…sige, I call you later after my brother’s wedding. Is that okay, Jess?”
Matiim siyang tinitigan ni Tom. Parang tinatantiya siya nito. Mabait si Tom, at wala naman siyang dapat ikailang sa lalaki kung nanaisin nitong makipagkita sa kanya. Saka gusto din niyang malaman ang tungkol sa pagpapagamot nito sa States. Gustuhin man nilang mag-usap ngayon ngunit wala nang oras dahil mag-uumpisa na ang seremonya ng kasal. Maybe some other time na lamang.
“Yeah, it’s okay.” Ngumiti si Jessica kay Tom pagkatapos ay inis-start na ang sasakyan.
Kinabukasan na nang tumawag si Tom kay Jessica. Kaagad namang pumayag ang dalaga nang yayain siya ni Tom for a dinner mamayang gabi around seven oclock sa Pamana Restaurant in Tagaytay. It is a antique cozy restaurant convienly located just along the major road, short distance from rotonda in Olivares. She’s been in this restaurant many times. Kinunsidera na lamang siguro ni Tom ang restaurant na ito kasi dito siya malapit. Kaya nang magsara siya ng kanyang shop sa Dangwa ay dumeritso muna siya ng uwi sa kanyang bahay sa Tagaytay para magpalit ng damit. Pagkatapos niyang magpalit ng damit at mag-ayos ay pumunta na siya sa nasabing restaurant para makipagkita kay Tom. Alas siete kinse to be exact, nang makarating siya sa nasabing restaurant. Kaagad niyang nakita si Tom doon wearing his nice checkered na polo shirt at faded jeans. Sa unang tingin ay mapagkamalan niya itong si Tristan. Kaagad din siyang sinalubong ni Tom nang Makita siya at iginiya sa kanyang upuan sa harap din ng upuan nito.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...