CHAPTER 14
SHE wasn’t sure how long she sat on the edge of the bed watching him quietly sleeping. Kahit anung gawin ni Jessica ay nanatiling buhay ang kanyang diwa, samantalang si Tristan ay mahimbing na itong natutulog.Matapos nilang mag-usap ng masinsinan tungkol sa naganap sa pagitan nila ay may binitiwang pangako sa kanya si Tristan. Pananagutan diumano nito ang nangyari sa kanila. At naniniwala siyang seryoso si Tristan sa sinasabi nito. She can feel it. Mahal siya ni Tristan.
At habang pinamamasdan niya itong natutulog ay napapangiti siya. His mouth slightly open but he was still handsome. Chiselled facial features, square jaw, bredcrust complexion, and the dimpled smile, always made her just want to lean over and kiss him. Mapapansin pa niya ang bahagyang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito habang ito ay natutulog. Napako ang tingin niya sa parting iyon ng katawan ni Tristan.
Ang dibdib ni Tristan ang isa sa mga gustung-gusto niyang parte ng katawan ng lalaki, hindi dahil naroon ang puso nito kundi’y siksik ito sa masel. At habang naroon ang tingin niya ay gumana ang kapilyahan ng kanyang isipan. She feels like she want to put her hand on his chest para muling damhin ang tigas at pino ng dibdib nito. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ni Tristan. He got a six packs abs na lalong nagpadagdag sa machong imahe nito. Nang napadako naman ang tingin niya sa parting iyon ni Tristan ay napalunok siya, natatabunan man iyon ng puting kumot ay alam niya kung ano ang meron doon. Ang nangyari sa kanila kagabi—ang ligayang hatid ng kanilang pag-iisang katawan ay waring nanunuot iyon sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.
“Jess…”
Halos mapatalon sa kinauupuan si Jessica sa pagkagulat ng marinig ang tinig ni Tristan. His voice is little bit husky but warm like dark melted chocolate fudge caramel—or something. Nataranta siyang kinapa ang dulo ng kumot para ikubli ang hubad niyang katawan. Oh shame! bakit tila ngayon lamang siya nahimasmasan na hubot-hubad pala siya? Nang hindi niya mahanap ang dulo niyong kumot ay malakas na hinila niya ang kumot na nakapulupot sa kalahating katawan ni Tristan—lamang, para mabalutan ang kanyang kahubdan at mahantad ang kahubdan ni Tristan—oh my goodness! Natatawang pinagmasdan lamang siya ni Tristan sa kanyang ginawa.
“Are you okay, Jess?”pagkuwa ay tanong ni Tristan na pigil ang pagtawa.
She blushed.
“Nahihiya kapa rin ba?” Muling tanung ni Tristan.
“Ha?..eh…hindi.” She lied.
“Then what are you doing? Halos magtalukbong ka ng kumot.”
“Giniginaw kasi ako, eh.” Palusot niya pero alam niyang hindi naniniwala si Tristan na giniginaw nga siya. Susme, ayon oh at pinanggigitian ng pawis sa dibdib at noo si Tristan. Kaya siguro ito nagising dahil nakaramdanm ng alinsangan ng panahon.
Gumulong ng bahagya si Tristan para bumangon saka ito tumayo at tinungo ang aircon para ito ay tingnan.
Waring hari na nagmartsa si Tristan na hubot-hubad patungo sa kinaroroonan ng aircon. Abot kamay lamang nito ang kinaroroonan ng aircon, nasa kabilang panig iyon ng kama na nakadikit sa wall. May pinihit roon si Tristan. Pagkatapos ay muli itong bumalik sa kama. Eksakto namang napatingin si Jessica at nakita niya ang mala-adonis na kahubdan ni Tristan. Oh my goodness!
Itong si Tristan naman ay pangiti-ngiti—well, he knew that he got a really good body kaya kampanteng-kampante ito sa sarili. Sa katunayan may kong ilang beses narin itong kinumbensi ni Cynthia na mag model upang sa gayon ay makakasama rin ito ng babae maging saan mang show. Pero todo tanggi si Tristan. Modeling is not his passion. Mas gusto pa nitong magpakapagod sa ipinundar nitong bagong negosyo.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...