NANG yayain uli ni Tristan si Jessica na sumayaw sa gitna ay kaagad nagpaunlak ang dalaga. At napansin ni Jessica, may tama na ng alak si Tristan. Namumungay na ang mga mata nito at medyo matabil na rin. Walang sandali na hindi nito naiisingit sa pag-uusap nilang dalawa ang pag-ibig nito sa kanya. Natatawa na lamang rito si Jessica. Siya man ay marami naring nainom ngunit hindi kasing rami ng nainom ni Tristan. Alam niya na namumula na rin ang kanyang pisngi.
Kaagad siyang hinapit ni Tristan sa kanyang beywang ng pumagitna na sila upang sumayaw. At sa muli ay nagdaiti ang kanilang katawan. Pumaibabaw ang isang kamay ni Tristan patungo sa nakalantad niyang likod. At sa muli ay waring kinoryente si Jessica nang bahagya pang idiniin ni Tristan pagkakahawak nito sa likod niya. Ngayon lamang niya napagtanto na isa sa mga sensitive part ng katawan niya ay ang kanyang likod. Habang naroon ang isang kamay ni Tristan sa kanyang likod at bahagya nitong iniis-slide ang kamay roon ay waring may nabubuhay na init sa kaibuturan ng pagkatao niya. At lalo pang nag-ningas ang init na kanyang naramdaman nang marahan na inilapit ni Tristan ng mukha nito sa mukha niya at sinakop ang medyo nakaawang niyang labi. Napagitnaan sila ng ilang magkaparehang nagsasayaw sa gitna. At sa mga pagkakataong iyon, ang pakiramdam ni Jessica ay sila lamang ni Tristan ang naroroon. Hindi niya mawari kung bunga ba iyon ng alak na nainom niya o sadyang bunga iyon ng mga mahiwagang damdamin na nadama niya habang naglilikot ang isang kamay ni Tristan sa likod niya at habang sinisiil siya nito ng magpag-angkin nitong mga halik.
Nagpapaubaya lamang siya sa anumang ginagawa ni Tristan. Ni wala siyang nakapang konting pagtututol sa ginagawa ni Tristan sa kanya. Sa katunayan ay gusto niya iyon at nasisiyahan siya. She felt like heaven. Ewan, hindi niya mabigyan ng eksaktong kataga o eksplinasyon ang ligayang dulot niyon sa kanya. Gumaganti rin siya ng halik kay Tristan. At nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay pareho nilang habol ang kanilang hininga. Ngayon naman ay pinisil-pisil ni Tristan ang kanyang pisngi ng isang kamay nito habang magkahinang ang kanilang mga mata.
“You make me very happy Jessica,” halos pabulong na wika ni Tristan. “Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdan ng gantong kaligayahan. You are the one for me and I can feel it. I can’t imagine there is someone like you na makapagbigay sa akin ng sobrang ligaya.” That was a very strange feeling na parang ngayon lamang nangyari kay Tristan.
At para kay Jessica ay isang kakatwang damdamin naman ang nasaling ni Tristan sa kaibuturan ng kanyang pagkatao na hindi halos mabigyan ng pangalan ng dalaga. Basta ang alam niya ay napupuno siya ngayon ng isang damdaming nagniningas na kung hindi niya mapipigilan ay waring sasabog iyon sa loob niya. Gusto niyang magsalita para masabi kay Tristan ang nararamdaman niya ngunit waring napepe siya ng pagkakataong iyon. Mas nangingibabaw sa kanya ang mahiwagang damdamin na lumilikop ngayon sa kanyang buong pagkatao.
Naramdaman niyang lalong humihigpit ang pagkakahawak ngayon ni Tristan sa kanya. At lalo pa nitong idinikit ang katawan nito sa katawan niya. Waring may gusto itong ipadama sa kanya. Kung iyon man ang gustong ipadama ni Tristan—ang wari’y isang matigas na bagay na tumutusok sa bandang puson niya ngayon—nagwagi ito, sapagkat damang-dama niya iyon. And she was not born yesterday para hindi mawari kung ano iyon. Napalunok siya sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam nang maramdaman ang matigas na bagay na iyon. At nang muli niyang titigan ang mga mata ni Tristan, punung-puno iyon ng pangungusap and she can see a fire on him. Muli siyang napalunok. Basang-basa niya ang mga mensaheng napapaloob sa mga mata na iyon.
“Let’s get out of here, Jess…” Paanas na wika ni Tristan sa tainga niya. Muli siyang napalunok. Batid niya ang gustong mangyari ni Tristan. “Please don’t say no,” dugtong ni Tristan. “I…I really want you now Jessica or else I’m going crazy.”
Oh God….
“Jess, I love you and please forgive me I really want you now…”
“Oh God Tristan, right now? Right here?” Dilat na dilat ang mga mata ni Jessica pagkasabi niyon.
BINABASA MO ANG
PAHIRAM NG ISANG UMAGA
RomanceSa edad na twenty three ay hindi pa naranasan ni Jessica ang magka nobyo. Pero nang makilala niya si Tristan Soriano ay napaibig kaagad ang dalaga dito. Ang problema ay ikakasal na ang lalaki sa isang ramp model na si Cynthia Perez. Ngunit disperada...