Isang linggo lang nag-stay sa amin si Park Chanyeol. Pero sabi niya, babalik naman daw siya after two weeks matapos gawin lahat ng kailangan niyang gawin sa office. Hindi ko alam kung anu-ano yung mga yun pero alam ko namang importante.
Tatlong linggo na ako dito sa mahiwagang bahay sa gitna ng gubat. Sunday ngayon at pumunta sina Taehyung at Namjoon sa bayan para mamili ng mga pagkain. Malapit na kasing maubos ang laman ng ref. Saka every week naman talaga ang grocery diba? Katatapos lang ng umagahan at habang naghuhugas ng mga pinggan si Jin, pumunta na muna ako sa laundry room para magwashing machine.
Ang weird nga dahil matapos ng dalawang linggo na yun, mas naging mabait na sakin yung mga kasama ko dito sa bahay. Isang linggo na akong nagtataka kung bakit mas maaga na din silang gumigising para tulungan ako sa mga gawaing bahay. Parang sina Taehyung at Jungkook lang ang hindi nagbago ng ugali. Hm. Weird talaga.
Pinaghihiwalay ko palang yung mga damit nang pumasok si Hoseok sa laundry room. "Hyung, tulungan na kita?" alok niya at bago ako sumagot, tinulungan nga niya ako. "Pasensya ka na kung medyo marami tong mga lalabhan mo." nahihiya pa niyang sabi at napakunot noo naman ako. Kita niyo na. Weird. Never pa nila akong tinulungan dati. Si Chanyeol lang ang kasama ko dito noon.
"Okay lang. Ano ba?" sagot ko naman. "Dapat nga sa washing machine tayo humingi ng sorry. Siya naman maglalaba ng lahat ng iyan eh." Kumuha ako ng malaking batya at pinuno yun ng tubig. "Saka hindi naman kayo masyadong magastos sa damit kaya okay lang ulit."
Ngumiti naman si Hoseok. "Um. Kelan pala babalik si Chanyeol-hyung dito?" tanong niya at medyo hindi ko maintindihan yung expression sa mukha niya.
"Baka next week?" hindi siguradong sagot ko saka napabuntong hininga. "Sana nga makabalik na siya agad." Natawa ako. "Hindi naman ako excited ah. Konti lang."
"He likes you. And you... you like him, don't you?" tanong niya bigla kaya medyo nagulat ako. Hindi kasi siya nakangiti. Basta nakatingin lang siya sakin ng maigi. Nang dahan-dahan akong tumango, siya naman ang napabuntong hininga. "It's weird, though." mahinang tuloy ni Hoseok saka umiwas ng tingin. "Most of my friends and I... we all have the same taste when it comes to the person we like."
Ayokong bigyan ng malisya yung sinabi niya pero naramdaman ko agad yung change of atmosphere sa loob ng laundry room na yun. Parang medyo bumigat at naramdaman kong nagsisimula na akong kabahan. "A-ah, banlawan nalang natin tong mga puti," sabi ko at nagsimulang ilagay sa batya na yung yun mga puting damit nila. Buti nalang talaga, mahilig silang lahat sa puting t-shirts. Tumango naman si Hoseok saka ngumiti ng maliit.
Isa pa palang magandang bagay sa mga kasama ko. Hindi ako ang naglalaba ng mga underwears nila. Thank god!
BINABASA MO ANG
Bite
FanfictionIsang kagat lang. Isa lang talaga. Text copyright © 2019 by HahuYeah [Language: FILIPINO]