kabanata 30

2K 119 38
                                    




Puno ng mga salamin yung paligid. 



Madilim pero alam kong naka-upo ako sa gitna ng isang hallway na parang nakita ko na kung saan. Pamilyar yung sahig, mga ding-ding, at kisame. Nasan ba ako? Gusto kong tanungin. Pero hindi ko magawa. Wala akong boses at kahit buksan ko yung mga labi ko, walang tunog na lumalabas.



"Baekhyun!" 



Napatingin ako sa paligid. May tumawag sa akin. May tumawag sa pangalan ko. Pero bago ko pa mahanap kung nasan at kung sino yun, napasinghap ako nang mahagilap yung sarili kong repleksyon sa isang salamin. Maliit lang yun at nakasabit ilang pulgada mula sa kinauupuan ko.



Yung mukha ko... kutis... mga kamay... Lahat sila bumalik na sa dati. Anong nangyayari? Magaling na ba ako? Pero kung ganon, nasan ako? Nasan yung mga kaibigan ko? Si Amber? Si Chanyeol?



Dahan-dahan akong napahawak sa sahig at pinilit na tumayo pero parang nakadikit ang buo kong pagkatao sa sahig na yun. Sobra akong nanghihina. Kahit pa maayos na ang itsura ko sa isang salamin na yun, pakiramdam ko hindi ko parin kayang buhatin ang aking sarili. Unti-unti akong nakaramdam ng takot. 



Nasan ako? Nasan ba ako? 



"Byun Baekhyun!" 



May tumawag ulit sa pangalan ko. 



Park Chanyeol?



Inilibot ko ulit ang aking paningin sa paligid at napatigil nang mapatingin sa isa pang salamin. Nakasabit yun sa kabilang gilid ng hallway at walang ibang salamin sa paligid niya. Iyon ang pinakamalaking salamin sa lugar na ito at ang pinakamaganda rin. Gawa siya sa ginto at iba't ibang kulay ng dyamante. Kumikinang yun, hindi tulad ibang mga salamin na nakapaligid sakin ngayon. 



Pero ang nakakakilabot at kakaiba tungkol na salamin na yun ay ang isang magandang babaeng nakangisi habang pinapanood ako. Meron siyang mapupulang labi at maliliit na mata. Maganda siya. Bata pa. Pero nasa salamin siya at nakalapat ang isa niyang kamay dito na para bang nakakulong siya sa likod nito. 



"Ikaw ba?" mahina niyang tanong. "O siya?" 



Napaatras ako at nagulat nang nakagalaw yung buo kong katawan. Dali-dali akong gumapang papunta sa kabilang dulo ng hallway kung saan hindi ako nakikita nung babae. Pero laking gulat ko nang makita ko bigla sa harapan ko yung gintong salamin na yun. Pinapanood parin ako ng babae ng maigi at saka ko lang napansin yung suot niyang damit. Makaluma ang mga yun. Pati ang ayos ng buhok niya; Ang lahat-lahat tungkol sa babae sa salamin, ibang-iba.

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon