kabanata 32

1K 61 20
                                    




Isang helicopter ang sumundo sa amin nang makarating kami ng New York. Ibang-iba yung pakiramdam ng paligid pati na rin yung simoy ng hangin, at siguro yung pinaka-pumukaw ng atensyon ko ay yung fact na nasa labas ako. Hindi ako nakakulong sa isang kwarto, naghihintay ng kung ano man mula kay Queen Belle.



Di tulad nung umalis kami sa Seoul, nabawasan na yung mga guards na kasama namin. Kumpleto parin yung pito, syempre, pero nung dumating kaming airport, hindi sila sumabay sa chopper. Sina Park Chanyeol at dalawang men-in-black lang ang kasama ko at tinulungan ako ni Chanyeol na mag-settle in sa loob ng sobrang ingay na helicopter.



"Here," mahina niyang sabi bago sinuot sakin ang isang itim na mask. "I bet you're more comfortable with that?" ngumiti siya ng maliit at marahang hinawakan ako sa pisngi.



Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Thank you, Park Chan."



"No problem," Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako palapit sakanya. "Are you cold, love?"



"Okay lang ako," sagot ko naman saka siya tinignan at niyakap pabalik. I rested my head on his shoulder. "Ikaw. Are you cold? Are you okay?"



Napatigil siya sa tanong ko, na para bang hindi niya inexpect na itatanong ko yun o para bang hindi niya alam yung sagot. Bumuntong hininga siya at wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mas mahigpit. "I don't know, Baek," pabulong niyang sagot. "I don't really know what to think or how to feel. Pakiramdam ko, ang daming pwedeng mangyari at kahit anong gawin ko, I'll never be prepared for it."



"Chan..."



"And that scares me, Baekhyun..." he kissed my hair gently. "Please tell me you're going to be alright. Kasi right now, yun nalang ang pinanghahawakan ko."



Dahan-dahan akong lumayo mula sa pagkakayakap ko sakanya saka binaba yung suot kong mask. Tinignan ako ni Park Chanyeol pabalik at ngayon ko lang talaga napansin kung gaano nakikita sa mga mata niya yung mga emosyong sinusubukan niyang itago. "I'm going to be fine," nakangiti kong sabi saka siya hinalikan ng mabilis sa pisngi. "I'm not giving up. Dapat ikaw din, diba?"



"I know," tumango siya. "I know. I'm sorry." Hinila niya ako ulit para yakapin at ipinatong ko yung ulo ko sa balikat niya. Huminga ako ng malalim at nilipat ang atensyon ko sa langit sa labas. Nasa himpapawid na pala kami, hindi ko manlang napansin. Sobrang layo ko na siguro kay Queen Belle ngayon. Sobrang layo sa Seoul at sa mga naghahabol saming Queen's Guards. Pero bakit pakiramdam ko hindi pa talaga ako nakakatakas sa mga itim niyang balak? Bakit pakiramdam ko kahit anong takbo ko palayo, mahahanap at mahahanap niya parin ako?

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon