Pagkagising na pagkagising ko palang kinaumagahan, wala na si Park Chanyeol sa tabi ko. Agad akong napabangon sa kama para hanapin siya. Last night when he saw me standing in front of the mirror, he almost half-dragged me back into the room after giving the mirror a glare. Napansin ba niya yung pagbabago sa mukha ko nang makita siya? Did he feel the difference in atmosphere, too? Nang may bigla akong marinig na ingay mula sa lounge area, pinilit kong tumayo at daliang hinila yung dextrose stand sa tabi ng kama. I walked out of my room to see Chanyeol pulling a white cloth off the couch.
"A-Anong ginagawa mo?" nag-aalala kong tanong.
"I'm taking it away from you," mariin na sabi ni Chanyeol sabay talukbong ng puting tela sa salamin. "Ever since dumating itong regalo ni Amber, you've been so weird, Baekhyun." Akmang tatanggalin na sana ni Chanyeol yung salamin sa dingding nang lapitan ko siya. Because of the sudden movement, nahila yung dextrose na nakasabit sa stand at nakakabit sa kamay ko kaya agad akong napasinghap sa sakit. "Baek! What are you—" nilapitan niya ako, nakakunot noong tumitingin sakin.
"Please don't," bulong ko saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi, my eyes begging. "Amber... She gave that to me, right? I just miss my sister, Chanyeol..." malungkot kong sabi bago siya tuluyang niyakap ng mahigpit. Anong ginagawa ko? I know the mirror is cursed. What am I doing? Bakit hindi ko pa pinipigilan si Chanyeol na ilayo sakin yung salamin?
For some reason, I feel like my mind is clouded. Even my judgement, too. Parang may boses sa isip ko na pilit akong kino-control, sinasabi yung mga bagay na ayokong sabihin, ginagawa yung mga bagay na ayokong gawin. It's surreal. And I can't explain it.
Bumuntong hininga si Chanyeol at naramdaman ko yung pagyakap niya sa bewang ko. "You were talking to it last night," mahina niyang sabi. "Anong gusto mong isipin ko?"
"I'm okay," niyakap ko siya ng mas mahigpit. "I'm fine, Park Chanyeol. Wala kang dapat ipag-alala. I swear." Dahan-dahan akong kumawala sa yakap upang tignan siya ng maigi mata. Nang magtama ang mga paningin namin, medyo nanlaki yung mga mata ni Chanyeol saka ibinaba ang tingin sa pisngi ko. Naramdaman ko yung daliri niyang pinunasan yung mga luhang hindi ko namalayang dumating na pala. Why am I crying again?
Chanyeol suddenly looks so worried I could feel my heart breaking. "You aren't okay," he whispered saka ako hinawakan ng marahan sa pisngi. "I'm sorry, Byun Baekhyun, but I promised you I will take care of you, right?"
Napakunot noo ako. "What do you—"
"You're not seeing that mirror again."
Pero bago pa ako maka-angal, isang katok sa pinto ang naging dahilan para dahan-dahang bitawan ako ni Chanyeol. Before he went to open the door, he gave me a kiss on the cheek and another apologetic smile. I gritted my teeth together and felt my breath starting to fasten. I want to feel mad. Gustong kong saktan si Chanyeol at itulak siya palayo sakin. Pero bago pa mangyari yun, Park Chanyeol threw me a glance and gave another warm, assuring smile. And for some reason, that corrupting, angry thought in my brain eventually dissipated.
BINABASA MO ANG
Bite
FanfictionIsang kagat lang. Isa lang talaga. Text copyright © 2019 by HahuYeah [Language: FILIPINO]