kabanata 26

1.9K 139 21
                                    




Gusto kong malaman kung sino si Park Chanyeol...



Ah. Hindi pala. Gusto ko siyang maalala.



Nakakapagtaka kasi at nakaka-frustrate rin kung bakit kahit konti, hindi ko siya matandaan. Kahit konti, wala akong maalalang pinagsamahan namin. Kung totoo man ang sinasabi nilang merong 'kami', bakit wala akong maramdaman? Bakit ni mukha niya, hindi ko maalala?



Maliwanag na nang magising ako isang umaga. Nanibago pa nga ako dahil sa sobrang lakas ng sinag ng araw at medyo napaso pa ata yung pisngi ko dahil nakalimutan kong isara yung mga kurtina kagabi. Mukhang mahangin din sa labas dahil panay ang galaw ng mga punong kahoy sa gubat.



Nakaka-freak out na noong isang linggo lang, diyan nila ako natagpuan.



Pagod akong bumangon.



Isa yan sa mga napansin kong pinagbago ng katawan ko simula nang makita nila ako sa gubat nang walang malay at mag-isa. Parati akong pagod. Parati akong mukhang walang tulog. Parating malamya, nanghihina.



Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, unti-unting nawawalan ng buhay yung katawan ko. OA man pakinggan, yun talaga eh. Wala tayong magagawa.



Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi na ako nagulat sa malalalim kong mga mata at walang kulay na pisngi. Pumapayat nga ako tulad ng sabi nina Amber. At kung totoo man na sobrang gwapo nga ng 'boyfriend' ko raw, ewan ko nalang kung mamahalin pa ako nun ngayon. Mukha na akong lantang gulay na ewan.



"Baek?"



Agad akong lumabas sa banyo at naglakad papunta sa pinto. Pati paglakad ko, mabagal. Ano na, bes? Paano na to? Haaay. Nang buksan ko yung pinto, napalitan agad ng simangot yung nakangiting mukha ni Amber.



"You look worse," bulong niya. Pati siya, pagod nang nakikita ako araw-araw na pasama nang pasama yung kalagayan. "How are you feeling?"



Ngumiti ako ng maliit. "Not good." sagot ko. "Ewan ko ba. Wala na atang mangyayaring mabuti sakin, Em. I'm getting worse and worse everyday." Hinila ko pa ng mas mahigpit yung malaking jacket na nakasuot sakin. Madali na rin kasi akong lamigin kahit hindi naman ganoon kalamig ang panahon.



Napatigil si Em sandali at saka medyo umiwas ng tingin. "About that..." simula niya. "Namjoon contacted some doctor from Incheon. Sabi niya, family doctor daw nila."

BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon