Nakahawak lang ako ng mahigpit kay Chanyeol hanggang sa narating namin ang national road. Kumpara sa Seoul, wala masyadong malalaking gusali sa lugar na to. Para kaming nasa mga maliliit na villages sa probinsya.
Tatanungin ko na sana kay Chanyeol yung asan talaga kami pero nagdalawang isip ako. Parang ayokong malaman kung gaano ako kalapit sa dati kong buhay, sa kapatid ko, sa mga kaibigan ko. Mas mahirap silang isantabi kung ganun.
"Doing okay?" tanong ni Chanyeol saka nilingon ako ng mabilis.
"Yeah," sagot ko. "This is my first time riding a scooter so..."
Natawa siya. "Let's make this day awesome."
Sus. Eh siya palang, more than awesome na yung araw ko. Pero tumango-tango naman ako habang nakangiti. Kahit hindi naman niya nakikita yung ngiti ko kasi nga suot ko yung face mask na bigay niya.
Napatingin ako sa paligid. Puro puno lang at maliliit na bahay at shops ang nakikita ko. Mukhang medyo malayo nga kami sa cities. Kung sabagay, bat ka nga naman magpapatayo ng rest house malapit sa city diba?
"Um, Chanyeol?"
"Hm?"
"Pwedeng humingi ng favor?"
Ngumiti naman siya. "Baek, you could basically ask me anything."
"Pwede bang huwag mong sabihin kung---" Pero napatigil ako nang may madaanan kaming elementary school. Napakunot noo ako kasi hindi ko alam yung lugar. Ni hindi ko pa natandaan dahil mabilis kaming nakalampas. OMG. Nasan ba talaga ako?
"Baek?" tawag ni Chanyeol. "You okay?"
"I... I was about to ask you not to tell me where I am." sabi ko naman. "Pero mukhang... hindi ko na kailangan yun kasi... hindi ko talaga alam kung asan ako."
"Let's just say..." simula ni Chanyeol nang lampasan namin ang isang truck na may kargang mga sako ng bigas. "Nasa isa tayong province kung saan, walang paparazzis na hahabol sa atin at walang Queen Belle na papatay sayo. Would that be fine with you?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Great. Just... great."
BINABASA MO ANG
Bite
FanfictionIsang kagat lang. Isa lang talaga. Text copyright © 2019 by HahuYeah [Language: FILIPINO]