Chapter Two

1.1K 69 11
                                    

*Their Cycle*

"Charlie!!!"

Tinatawag ko si Charlie habang tumatakbo sa hallway.

May problema siya.. alam ko..

Kaya gusto ko siyang kausapin tungkol dun.

Umupo siya sa isang bench malapit sa field, at naabutan ko naman...

"Anong problema? Ok ka lang ba?"

Bigla na lang niyang ibinagsak ang ulo niya sa balikat ko.

"Charlie??"

"Ugghh!! I hate people!! Wala ka na talagang mahahanap ngayong hindi ka lolokohin!!!"

Bigla ko nalang siyang hinampas sa balikat... 

"Wala???!!! Eh anong tawag mo sa'kin ha??!"

"Aray ko naman Suzy... Syempre exceptional ka.. Hindi ka lang isang tao sa'kin.

Isa kang espesyal na tao sa buhay ko noh"

Tsaka niya ako tinignan na nakapagpangiti sa'kin... Haayyy Charlie..

Sa mga salitang binibitawan niya, sumasaya ako.. Mas lalo niya akong bibibigyan ng dahilan para mas mainlove pa sa kanya 

lalo.

"Syempre ikaw ang bespren ko"

Pero lagi niya ring pinapaalala sa'king MAGKAIBIGAN lang kami.

"Bespren?!!! Niloloko mo ba ako?!"

"Bakit?? Ano pa ba?"

"Hindi mo lang ako bespren. 

Ako rin ang sister mo, nanay, yaya, nurse, care giver, the better half, kakambal, councilor at ang paboritong tao sa mundo!!

Oh diba?? Whole package.. "

"Hahahahahahahaha! Oo nga naman"

Buti napatawa ko siya. Tss.. Ganito ako lagi.. Pampatawa kapag mayron siyang problema..

"Pero as all around person mo Charlie, anong ba talaga ang problema mo?"

"Nalaman ko kasing nagche-cheat sa'kin si Liezel"

"Teka, di ko gets... Diba kani-kanina lang sabi mo ibre-break mo na siya???"

"Oo. Pero pagkatapos ko siyan i-break, sinabi niyang matagal narin niya akong niloloko.

Matagal na raw siyang may lihim na relasyon sa isa sa mga team mates ko sa soccer"

"Sorry"

Yun lang ang tangi kong masasabi. Kita ko sa mga mata niyang nalulungkot siya at disappointed.

"Wala naman talaga yun sa'kin since 2 weeks lang kami tumagal.

Pero ang lokohin niya ako sa loob ng 2 weeks na yun ang masakit"

"Ang team ay nagtutulungan para makamit namin ang tagumpay,

hindi para makipagrelasyon sa girlfriend ng may girlfriend.

Ewan ko Suzy, ewan ko kung kanino na ako magtitiwala"

"Alam mo, siguro sinabi lang yun ni Liezel kasi nasaktan siya sa pagbre-break up niyo.

At siguro rin na ginawa yun ng team mate mo kasi naiinggit siya sayo bilang team captain at ladie's man.

Take it as a compliment Charlie. Pick yourself from the ground. Ipakita mo sa kanilang mali ang ginawa nila sayo,

na hindi ka naaapektuhan sa ginawa nila sayo. Ilang buwan nalang at magkokolehiyo na tayo. 

Ang mga akala mong kaibigan magiging isang kalaban. Life is too short. Kaya dapat piliin mo ang mga 

taong sa tingin mo pagkakatiwalaan mo hanggang huli"

"Alam mo ikaw talaga ang pinaka magandang mag-advice"

"I know. I try to give you the best advice just for you"

Pagkatapos nun dumiretso na ako sa biology class ko at LATE na ako!

Busy kasi ako msyado sa pagcocomfort kanina kay Charlie. Pero ok lang yun... basta si Charlie..

Nakita kong nakabusangot na ang mukha ni Lawrence, ang lab partner ko.

"San ka galing? bakit ka late?!"

"Pake mo? Matanda na ako kaya kaya ko nang alagaan ang sarili ko kaya hindi mo na kailangan tanungin kung saan ako galing"

"Haayy... Nagaalala lang naman ako sayo eh"

"Weirdo"

"Suzzane, since busy ka sa Sabado para manood ng soccer game ni Charlie, Uhmm...

Matanong ko lang kung pwede ka sa gabi para gawin yung term paper natin?"

Tanong sa'kin ni Lawrence na kinakabahan pa. Natatawa tuloy ako sa kanya...

"Gusto ko sana Lawrence pero may gagawin ako"

"May kinalaman ba kay Charlie??"

"Hah?! Hindi noh"

Sinamaan ko nga ng tingin.. Ano ako?? sinungaling?!

Pero oo nga naman... I'm lying...

"Oo na... Kailangan ako ni Charlie sa gabing yun kasi pagkatapos ng soccer game nila, may

magaganap na party at since kakahiwalay niya lang sa girlfriend niya, alam kong iinom nanaman

siya kaya kailangan nandun ako para alalayan siya.. ok na??"

"Suzzane, malaki na siya, kaya na niyang sarili niya!"

"Pero ako rin naman ah... Pero when it comes at my worst days, nandun din siya para sa'kin kaya

binabalik ko lang ang mga ginagawa niya para sa'kin.... dahil ako ang.. bestfriend niya"

"Kaya ikaw... wag ka ng masyadong nagaalala diyan ha??"

Tsaka ko siya kinurot sa pisngi sabay pa-cute..

"Aray! oo na! tama na"

"Ayoko nga hanggat hindi mo sinasabi sa'kin kung bakit ka pa malungkot"

"Ayoko lang kasing pupunta ka sa party na yun na puno ng mga taong

umiinom at naninigarilyo para lang bantayan yang so called bestfriend of yours.

Please lang Suzzane, wag ka nang pumunta dun"

"Hahahaha... Seryoso Lawrence, hindi mo naman kailangang maging overprotective sa'kin,

Nandyan naman si Charlie na lagi akong pinoprotektahan eh.

Tsaka trust me, kailangan kong pumunta, kailangan ako ni Charlie dun"

"Kung siya ang pumuprotekta sayo, bakit ka niya hahayaang pumunta sa

party na yun ha??!"

"Hindi niya alam. Tsaka baka sakaling lasing na siya bago pa niya malamang

nandun ako"

"Ok thats it Suzzane, sasama ako sayo! Hindi kita hahayaang pumunta roon ng mag-isa"

"Bahala ka.. Pero I'm warning you, Charlie likes to throw up"

"Ok lang sa'kin yun basta ba makita kitang ligtas"

[A/N: Kung nagtataka kayo kung bakit di siya relate sa chap. 1, kasi yung chap 1 yun yung patikim sa mangyayari sa medyo last...]

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon