Chapter Thirteen

639 50 6
                                    

"Krissa the Match Maker"

Author's POV

Sa araw ring yun, pumunta silang apat sa lake at nagrenta ng mga paddle boats.. Pagkarating nila dun, binigyan sila ng tig-isang life jackets.. Masayang ikinabit ni Josh ang life jacket ni Krissa. Pinapanood naman ni Suzzane ang dalawa at nakaramdam ng pagkainggit sa dalawa.

"Haaaaaaay"

"Oh bakit? May problema ba Suzy?"

tanong sa kanya ni Charlie.. Hindi agad sumagot si Suzy, pero narealize niya na pinagmamasdan niya sina Josh at Krissa.

"Ang sweet kasi nilang dalawa"

Pagkasabi niya nun, tsaka niya ikinabit ang life jacket niya.. Maya-maya na stuck sa ulo niya yung isinusuot niyang life jacket

"Charlie tulong naman oh"

Natawa si Charlie kay Suzzane dahil na stuck ang life jacket niya at natatakpan ang buo niyang mukha at nakataas pareho ang dalawang kamay..

"Alam mo imbes na tumawa ka, tulungan mo nalang kaya ako"

"Hahaha, kung ikaw kaya.. Tatawa ka rin pag nangyari sa'kin to"

Tsaka niya tinulungan si Suzzane na natatawa parin

"Oh? Ba't tatawa-tawa kapa?"

"Wala lang... Ang cute mo kasi"

Nakitawa lang ng kaunti si Suzzane pero pagkatapos na pagkatapos ni Charlie sa pag-ayos ng life jacket niya, nailang siya dahil sa sobrang lapit ni Charlie sa mukha niya.. Narealize rin ni Charlie na masyado siyang malapit kay Suzzane.. Di niya maiwasang lumapit pa kay Suzzane na siya namang ikinagulat nito.. 1 inch nalang ang layo nila sa isa't isa nang magsalita ang nag aasikaso ng paddle boat..

"Ahhh ma'am, sir, gusto niyo na bang sumakay?"

Agad namang umangal si Krissa..

"Tss.. Kitang nagmomoment yung tao eh!"

Pinigilan din naman siya agad ni Josh

"Ahh sorry.. Baliw lang talaga tong fiancé ko eh"

"Uhhmm.. Dalawa lang po bawat bangka"

Pagkasabi nun nung lalaki, abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Krissa...

"Sige kasama ko sa bangka si Charlie"

sabay higit niya sa braso ni Charlie sa kanya

"At ikaw naman Josh, samahan mo si Suzy ha?"

sabay tulak kay Josh papunta kay Suzzane

"Ayoko!"

biglaang sigaw ni Charlie at napatingin ang lahat sa kanya

"Bakit Charlie? Ayaw mo akong kasama?"

"Ahh.. Sorry ate pero mas gusto kong kasama si Suzy" 

"Let me think... No! Tara na Charlie!"

tsaka niya hinila si Charlie bago pa man siya umangal

"So, tara na Suzy?"

sabi ni Josh kay Suzzane. Nag nod nalang siya at inalalayan siyang sumakay ni Josh sa bangka nila. Samantala naman, panay ang tingin sa kanila ni Charlie. Napansin naman ito ni Krissa.

"Hoy! Ako lang magsasagwan ganun?"

"A-ah, sorry"

sabay sagwan ni Charlie pero panay parin ang tingin kina Suzzane

"Tss.. Wag ka ngang mag-alala, hindi nangangain ang fiancé ko noh.. Kaya wag kang tingin nang tingin"

"A-ano?! Hindi ah"

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon