Chapter Twenty

511 55 26
                                    

Her First Kiss

Author's POV

1 month later...

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan nina Charlie at Suzzane, hindi uli sila nagkita ni nagusap man lang.. Matapos ng isang buwan din, tuluyan nang nahulog si Charlie kay Charmaine at nakalimutan na niya si Suzzane..

Lingid kay Charlie, hindi ganun ang sitwasyon ni Suzzane.. Hanggang ngayon kasi mahal na mahal pa niya si  Charlie.. Ang akala nun ni Suzzane ay talagang tagumpay na ang plano niya pero hindi pala.. Nandun parin ang nararamdaman niya kay Charlie.

Mula sa pagiging hindi mapaghiwalay na magkaibigan at halos minu-minuto magkasama hanggang sa ni hindi na magkita, si Charlie at Suzzane ay nagkakalayo na ng landas kahit sa pagiging magkaibigan man lang.

Masaya na si Charlie kasama si Charmaine ngayon. Mas masaya naman sa mga nangyayari si Charmaine at para sa kanya, mas maganda kung hindi na uli sila magkita ni Suzzane.

Sa isang buwang pangungulila ni Suzzane kay Charlie, hindi siya nag-iisa.. Nariyan lagi sa tabi niya si Sander ngayon. Si Sander na ngayong ang pumalit sa posisyon ni Charlie bilang bestfriend ni Suzzane. Tulad ng pagkakaibigan nina Charlie at Suzzane, hindi rin silang dalawa mapaghiwalay na laging magkasama 24/7. At tulad din ng pagkakaibigan nila ni Charlie, may lihim pagtingin sila sa isa't isa. Pero hindi ganun kadali kay Suzzane na ilipat ang pagmamahal meron siya kay Charlie papunta kay Sander. 

Ang pagkakaibigan nina Sander at Suzzane ay magkaiba rin naman sa friendship nina Charlie at Suzzane.. Di gaya ni Charlie, may lakas ng loob si Sander para ipagtapat ang nararamdaman niya kay Suzzane..

"Anne!"

"Oh, hi Sander ^__^ ano, tara nang maglunch?"

"Sige tara"

Habang naglalakad sila papuntang canteen, nagkabwelo si Sander para tanungin si Suzzane.

"Uhmm, Anne?"

"Hmm?"

"May gagawin ka ba mamayang after class?"

"Wala naman.. Bakit?"

"Pwede ba kitang yayaing lumabas?"

"Lumabas? May okasyon ba?"

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon