Chapter Sixteen

562 48 19
                                    

Suzzane's Plan

Author's POV

[A FEW DAYS AFTER]

Palabas na ng campus nang araw na yun si Suzzane, si Charmaine naman ay pilit siyang hinahabol nang makita niyang pauwi narin siya. Pero huminto ito nang makitang sumakay siya ng kotse. Nakita niyang isang lalaking matangkad at may balingkinitang katawan ang nagbukas ng pinto para kay Suzzane. Namukhaan ni Charmaine ang lalaking yun at hindi siya nagkamaling iyon ay si Charlie.

*****

Samantala, si Charlie naman ay sinadyang sunduin si Suzzane para pumunta sa bahay ni Krissa. Pagdating nila dun, nadatnan nilang nagbebake ng pie si Krissa.

"Wow ate! Sakto pala ang dating namin eh!"

"Oo sakto nga... Since nandito kayo, Suzy samahan mo akong gawin tong pie"

"Pano ako ate? Gusto ko rin tumulong"

"Itong pera, bili ka ng maiinom natin. Naubusan na kasi ako ng orange juice eh... dali na"

"Eeeh *pout* gusto ko rin gumawa ng pie eh"

"Ano ka ba naman Charlie... Kami na gagawa nito.. Tsaka isa pa, di ka marunong magluto diba?"

"Tch.. Sige na nga!"

*dabog*

*dabog*

*dabog*

"Haaay, parang bata talaga yang si Charlie noh"

"Bayaan niyo na ate..  Ganyan talaga yan eh.. Ah ngapala ate, nasan si kuya Josh?"

"Si Josh? May trabaho siya rito pero, temporary lang... Maiba tayo Suzy"

"Hmm?"

"Nagtapat na ba sayo si Charlie?"

"Si Charlie? Mmm.. Ang totoo niyan ate, wala na akong pakealam sa nararamdaman ni Charlie sa'kin.. Ang focus ko na kasi ay ang pag-aaral ko't ang pag-move on ko kay Charlie"

"Hah?!? Ano ka ba! Wag ka munang sumuko!" 

"Ate, what's the point? Matagal na akong ganito sa kanya, umaasa sa mga pangyayaring, di naman nangyayari"

"Hay naku bahala ka? Pero sinasabi ko sayong mabibigo ka rin diyan sa move on move on mong yan"

"Mabibigo? Hindi ah.. Makikita mo ate, it will just take awhile for me"

"Bahala ka... Sinasayang mo ang isang magandang relasyong mabubuo niyo sana"

"Ah.. Ate?"

"Bakit?"

"Diba babalik din kayo ng France?"

"Oo... bakit?"

"Pwede bang sumama? Pero wag kang mag-alala, hindi ako makikitira sa inyo"

"Pero, nandito ang pamilya mo, nag-aaral ka pa tsaka diba ayaw mong malayo ka sa pamilya mo? Bakit mo gustong sumama? Dahil ba kay Charlie?"

Alam ni Suzzane na yun nga mismo ang dahilan kung bakit niya biglang naisipang umalis.. Napayuko nalang siya bilang sagot sa tanong ni Krissa

"Haay! Suzy, alam mong hindi papayag si Charlie kung sakaling aalis ka nga"

"Pero ate, hindi naman ako girlfriend ni Charlie para hindi niya ako payagan... Promise ate, ako ang aasikaso ng lahat.. Gusto ko na talagang umalis para maka-move on sa kanya... Please ate, ito na talaga ang magandang chance para sa'kin"

"Suzy, stupid ng ideyang to... Magtapat ka na lang kasi... promise ko di ka mabibigo"

"Ate... Please?"

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon