Chapter Eleven

633 47 9
                                    

*Goodbye Lawrence*

Suzzane's POV

"Airport?!!"

sigaw ko sa kanya... Tss pano ba naman!

"Oo Suzzane"

malungkot siya... Oo alam ko ang dahilan... Ano ako manhid? At pagkasabi niyang yun, agad naman niya akong binabahan ng linya :c

"Lawrence? Hello? Hello!"

asar... Di man lang niya sinabi kung sang airport siya T.T

"May problema ba Suzy?"

Lumapit sa'kin si Charlie. Alam niyang kanina pa ako hindi mapakali kaya nag-aalala siya sa'kin.

"Charlie, kailangan mo akong dalhin sa airport"

"Airport? Bakit-"

"Si Lawrence kasi eh"

Bigla namang nawala ang ngiti ni Charli nang marinig niya ang pangalan ni Lawrence.

"Please Charlie, dalhin mo ako dun ngayon na. Kailangan kong makita si Lawrence"

Si Charlie lang ang mahihingian ko ngayon ng tulong... Alanganin siyang sagutin ang pakiusap ko sa kanya... Please Charlie... Alam kong di kayo magkasundo ni Lawrence pero sana pagbigyan mo ako.

"Haaay... Sige pero hindi tayo aalis hangga't di pa natatapos ang graduation ceremony. Maghihintay tayo hanggang matapos"

Pagkatapos agad naman siyang bumalik sa upuan niya. Napangiti naman ako kasi, kahit na alam kong ayaw niya, pumayag parin siya... Awwwwwww (#'',#)

Sinundan ko nga tsaka ko siya binigyan ng back hug...

"Thank you Charlie!"

"Wala yun... Tsaka, wag ka munang magpakasaya kasi malay mo, wala na siya dun. Baka madisappoint ka kasi"

Bigla naman akongp nadisappoint... pero sabi nga niya na 'BAKA' diba...

Nagsimula na ang ceremony at di ako mapakali sa kinauupuan ko.. Ewan ko ba, ganito pala talaga katagal ang graduation ceremony... Asar lang ah..

At dahil top student ako, kailangan ko pang mag speech speech ewan na yan!

At nung mga 9:00pm na, natapos din naman... Picture picture nalang ginagawa, pero wala na akong time para diyan -_-

Inalis ko na yung toga ko tapos pinuntahan ko si Charlie tapos hinigit...  Agad kaming sumakay sa taxi papuntang airport. Pagkarating naman namin, wala nang mga pasahero sa waiting area... Pumunta kaming 2nd floor at swerteng nakita namin si Lawrence sa may food court.

"Lawrence!"

Tumakbo ako papunta sa kanya at nang makita niya ako, tumayo naman siya sa kinauupuan niya at-- witweeww! naka short shorts ba naman siya kaya sobrang kita ang mahahaba niyang legs!

Gulat siya nang makita niya ako, magsasalita na sana siya pero binigyan ko siya ng sampal sa pisngi!

Rinig ko naman si Charlie sa likuran kong pinipigilan ang tawa.

"P-para san naman yun ha???"

"Bakit ka aalis ha?? San ka pupunta? Tsaka bakit pabigla-bigla kang magdedesisyon na--"

"Dun tayo mag-usap Suzzane"

Hinigit naman niya ako at dumistansya kami kay Charlie.

"Suzzane, yung tungkol sa sinabi ko sayo dati, seryoso ako dun. Mahal talaga kita. Tangap ko naman na hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko pero ang hindi ko matanggap ay ang magpakamartir ka kay Charlie. Kaya ngayong tapos na tayo ng highschool, napagpasyahan kong umalis papuntang Canada para dun na mag-college"

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon