Chapter Fifteen

617 50 9
                                    

Suzzane is my Girlfriend

Author's POV

Nakahalata si Charlie sa klase ng tinggin sa kanya ni Charmaine kaya hinawakan na niya nag kamy ni Suzzane at sabay higit sa kanya palabas ng simbahan.

Nagulat naman si Suzzane sa ginawa ni Charlie at pinilit niyang kunin ang kamay niya kay Charlie pero mas hinigpitan pa ito ni Charlie.

Nang malayo na sila sa simbahan, tumigil naman si Charlie sa paghigit sa kamay ni Suzzane at haharap na sana sa kanya nang.....

*slap*

Nagulat si Charlie sa pagsampal na yun ni Suzzane sa kanya..

"Bakit ka naman ganun ha Charlie??! Dba sinabi ko sayong wag maging bastos sa ibang tao??!"

"S-sorry Suzy.. Ayaw ko lang kasi ng klase ng pagtinggin niya sa'kin eh"

"So yun lang yun??? Hinigit mo ako ng ganito kalayo para lang lumayo sa kanya?? Teka... Anong nangyari sayo?? Di ka ba natutuwang agad siyang naapektuhan ng 'Charlie Charm'?"

"K-kasi iisa lang ang babaeng nasa isip ko... at ikaw yun"

Pagkasabi nun ni Charlie, agad nagpanic ang puso ni Suzzane at hindi alam ang irereact..

"Ahehe... A-ang weird mo ngayon Charlie ahh... Tsaka Hoy! Bestfriend mo lang kaya ako at di pwedeng ako lang ang nasa isip mo noh!"

Sinubukan ni Suzzane si Charlie sa paraan ng pagkakasagot nito sa kanya..

Gusto lang niyang nagtatapat nga si Charlie sa kanya para hindi na uli siya umasa tuad ng dati..

"Ahh.. Kasi---"

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnggggggggggg*

Bigla nalang tumunog ang phone ni Suzzane bago pa matapos uli ni Charlie ang sasabihin nito.

Sinagot naman niya ito at umoo sa kabilang linya..

"Sino yun?"

"Hinahanap na tayo ng parents natin Charlie.. Ano?? Tara na?"

"Ah.. S-sige.. Tara na"

Sabay hawak sa kamay ni Suzzane..

Aalis na sana sila nang may biglang tumawag sa kanila..

Pagkalingon naman nila, nakita nila si Charmaine na papalapit sa kanila..

PAgkakita naman dito ni Charlie, sumimangot ito..

"Pupunta ba kayo sa reception ni ate Krissa??? Pwedeng sumabay?"

"Kakakilala mo lang sa'min kanina lang tapos gusto mong sumabay sa isang stranger na tulad namin???"

sarkastikong sabi ni Charlie.

Nagulat dito si Suzzane dahil hindi naman ganyan ang pagkakakilala niya kay Charlie..

Hindi siya ang Charlie na malambing kung sumagot sa mga babae..

"Ahh.. Pagpasensyahan mo na tong bestfriend ko ha?? Sure pwede kang sumabay :)"

Sumakay sila ng taxi.. Nasa gilid si Charlie at Charmine na pinalagitnaan nila si Suzzane.

"So, kaano-ano mo sina ate Krissa???"

"Hindi naman ako konektado kay ate Krissa o kay kuya Josh... Kapatid kong lalaki kasi yung bestfriend ni ate Krissa"

^_~

"Sigurado ka?? Sa pagkakakilala kasi namin ni Suzy kay ate Krissa ay panay babae ang bestfriend niya"

Ngumiti nalang sa kanya si Charmaine at iniisip na mas maganda iyon kahit medyo masungit si Charlie sa kanya atleast sumasagot ito sa kanya...

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon