Chapter Nineteen

522 48 14
                                    

"Meet Sander"

Author's POV

"So, bakit ka pala kanina umiiyak?"

tanong ni Sander kay Suzzane habang kukain sila ng pizza

"Ahh... K-kalimutan mo na yun"

sabay tawa na halatang peke

"Wag mong sabihing dahil sa lalaki yan"

tanong uli ni Sander at ikinagulat naman ito ni Suzzane

"Alam mo Anne, maganda ka namang babae, wag kang iiyak dahil sa lalaki ok?"

sabay ngiti ni Sander kay Suzzane na dahilan para mamula siya ng bahagya. Aminado siyang wala pang ibang lalaki ang nagsabing maganda siya bukod kay Lawrence at Charlie.

"S-Salamat.. Ngapala, anong course mo?"

tanong ni Suzzane kay Sander para ibahin ang topic

"Second year na ako at Tourism ang kinukuha ko ^___^"

"Talaga?? So, ano plano mo after college?"

"Gusto ko sanang pumunta sa ibang bansa.. Sa totoo lang kasi, ayaw ko talaga ng kursong kinuha ko"

"Hah? Eh, anong gagawin mo sa ibang bansa?"

"Gusto ko sana kasing maging singer Anne.. Yun talaga kasi gusto ko eh.. Eh ikaw? Ano plano mo after college?"

"Gusto kong maging isang professional doctor"

Nagpatuloy pa sila sa pagkukwento hanggang bumalik sila sa campus.

"Ngapala Anne, may boyfriend ka na ba?"

"Wala eh.. Bakit mo natanong?"

"Akala ko kasi meron na.. Yun kasi sumagi sa isip ko nung makita kitang umiiyak kanina"

"K-kanina? Ano ka ba, wala nga yun eh.. Kalimutan na natin"

"Pero alam mo, kung sino man yang nagpapaiyak sayo, wag mo na uli siyang pag-aksayahin ng luha ok?"

"Sinong nagpapaiyak kay Suzy?"

Bago pa sila makapasok at makapag-swipe ng i.d, may narinig silang nagsalita sa bandang likuran nila. Pagtalikod naman nilang dalawa, nakita nila si Charlie kasama si Charmaine na nakasabit ang kamay sa braso ni Charlie.

"Ahh.. W-wala naman yun Charlie"

Pagkasabi yun ni Suzzane, diretso lang ang tingin ni Charlie kay Sander at ni hindi ito makangiti.. Agad naman yun napansin ni Suzzane na may namumuong tensyon sa pagitan nila kaya nagsalita uli siya.

"Ngapala.. Ah Sander, si Charlie, bestfriend ko at si Charmaine, classmate ko"

Pagkapakilala ni Suzzane sa kanila, ngumiti nalang si Sander at nakipag-shake hands sa kanila.. Pero hindi parin ngumingiti si Charlie

"So, ano siya sayo Suzy?"

tanong ni Charlie na may halong pagka inis. Ayaw na ayaw ni Charlie na nakikipag kaibigan si Suzzane kung kani-kanino lalo na sa lalaki

"Friend ko"

"Kailan pa? Bakit ngayon ko lang siya nakita?"

pagtatanong uli niya

"Charlie! Sino ka para tanungin ako nang ganyan?! Hindi naman kailangan lahat sasabihin ko sayo eh"

Pagsagot ni Suzzane na may halong inis at naiirita narin. Mas lalo uling sumimangot si Charlie at magsasalita uli sana siya nang unahan siya ni Charmaine.

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon