Chapter Fourteen

592 49 6
                                    

Wedding

Suzzane's POV

[3 Weeks Later]

Pagkatapos ng maraming araw ng preparasyon ng kasal nina ate Krissa't kuya Josh... Ito na.. Ikakasal na sila!

Ngayong umaga, nandito kami sa hotel para magprepare.. Dito kasi lahat nag istay ang mga kasali sa seremonya mamaya.

Naayusan narin ako kasi ako yung maid of honor ni ate Krissa eh..

Pagkalabas ko ng kwarto ko dito sa hotel, nakabangga ako sa isang lalaki.. at si Charlie lang pala..

"Oh.. Ikaw p-pala Charlie. San ka pupunta?"

"Ahh.. ano.. Pupunta na sana ako sa baba para mag almusal.. susunduin sana kita"

"Ok.. Tara na"

Nakabihis narin si Charlie at... Inaamin ko ah.. ang gwapo niya sa suot niya (o///o,)

Pagkababa namin, nandun na ang mga magulang namin ni Charlie. Umupo kami sa table nila at nakisalo..

"Wow Suzzane! Ikaw na ba yan? Ang ganda mo sa suot mo"

"Thank you po tita :)"

"Uhmm Suzzane, diba magtetake ka ng nursing???"

"Opo tita"

"Ang swerte talaga ng mga magulang mo Suzzane"

"Aba syempre naman.. Nag iisang anak namin si Suzy kaya proud kami diyan"

sagot ni dad

"Haaayy.. Sana ganyan din ako sa anak ko"

"Mama naman! Nakuha kaya ako sa International Sport School! *pout*"

"Hahaha oo na"

"At tsaka may scholarship pa akong natanggap diba Suzy??? Diba??"

"Tss.. Oo na nga eh"

Maya-maya, biglang tumunog ang phone ni Charlie kaya sinagot niya muna ito..

Pagbalik naman niya, nagpaalam siya sa'min para umalis.. may aaasikasuhin lang raw..

Tatayo na sana ako para sundan siya pero pinigilan ako ng mama niya..

"Hayaan mo na lang siya hija.. Kain ka nalang muna ok?"

"S-sige po"

Hmm.. Anu kaya yun??? Mukaha kasi siyang.. ewan parang seryoso yung mukha niya eh..

Nung magsisimula na ang kasal, nakita ko naman siya run..

Kasalukuyan nang naglalakad si ate Krissa at nakikita kong sabik si kuya Josh sa kanya.. Naiinggit tuloy nanaman ako..

Sana ganyan din si Charlie sa'kin pagdating ng panahon na umabot kami sa point na yan...

Nakikita kong parang naiinlove nang paulit-ulit si kuya Josh habang tinitignan si ste Krissa...

At dumating na sila sa eksenang magpapalitan na ng vows sa isa't isa...

Kailan kaya darating yung time na magiging ganyan din ang story ng buhay ko???

At sana pag ako ang ikakasal, si Charlie ang kasama ko...

Author's POV

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan??? Tara na!"

Pagtatawag ni Charlie kay Suzzane na noo'y nasa isang bakanteng upuan sa simbahan..

Siya nalang kasi ang natitra run at lahat sila nasa reception venue na..

Tinabihan siya ni Charlie sa kinauupuan niya.. Ngumiti lang naman sa kanya si Suzzane.

"Wala.. Napapaisip lang"

Sagot niya pero hindi siya nakatinggin kay Charlie kundi sa altar...

Iniisip parin ni Suzzane ang tungkol sa araw na siya rin ang ikakasal..

"Anong iniisip mo???"

"Ang future ko"

"Future mo??? Gusto mo narin bang ikasal tulad ni ate?"

"Oo naman.. At alam kong mangyayari yun... soon enough"

Pagkasbi nun ni Suzzane, tumayo si Charlie at hiningi ang kamay nito.. di naman umangal si Suzzane at inabot niya ang kamay niya rito..

"Anong gagawin mo?"

"Just trust me"

Tumayo narin siya na hawak hawak parin ang kamay nito at pumunta silang dalawa sa may altar.

"Alam kong sa mga ganitong bagay natutuwa ang babaeng tulad mo, kaya pumunta ka sa end ng church at pumunta ka dito sa may altar.. Yung lalaking gusto mong pakasalan, isipin mo munang ako yun at maghihintay ako sayo dito"

Nawirdohan sa una si Suzzane sa sinabi ni Charlie sa kanya pero ginawa naman niya sa huli.

Naglakad siya mula sa dulo ng simbahan papunta kay Charlie.

Si Charlie naman ay nag hum na parang may musikang pangkasal.

Pagdating ni Suzzane kay Charlie, sabay silang pumunta sa altar..

"Today we are gathered to celebrate Suzy at ng isang taong gustong pakasalan ni Suzy"

"Tsss... Ang korny!!"

"Pero gusto mo naman diba?"

"Tss.. oo na tara dun tayo maupo"

"To naman oh.. ang ganda na kaya ng eksena"

Tumayo sila mula sa upuan sa altar at umupo sa unang upuan sa harap ng simbahan.

Magkatabi sila at pinatong ni Suzzane ang ulo niya sa balikat ni Charlie..

"Balang araw Charlie, makakahanap ako ng taong tulad ni kuya Josh na hindi ako kayang pakawalan at mamahalin ako ng buong-buo.. Balang araw darating siya sa buhay ko at hihingin niya ang kamay ko para pakasalan"

"Alam ko... Mahahanap mo rin siya Suzy"

Sagot ni Charlie sa kanya sabay patong niya ng ulo kay Suzzane..

"Suzzane?'

"Hmmm..???"

"May kailangan akong sabihin sayo"

"Ano yun?"

Sabay bangon at tumingin ng diretso sa mga mata ni Charlie..

"Kasi... Gusto ko lang sabihing matagal na---"

"Hello???"

Hindi na matuloy ang sasabihin ni Charlie kay Suzzane dahil may biglang pumasok sa simbahan..

Naiinis na lumingon si Charlie at pati narin si Suzzane..

Isa yung babaeng matangkad at balingkinitan..

Tumayo naman agad si Suzzane para batiin ang dumating na babae... Habang nanatiling nakaupo si Charlie dahil narin sa inis niya sa pangiistorbo nito sa pagtatapat niya sana kay Suzzane.

"Hi! Ako pala si Charmaine... Tanong ko lang kung may nakita kayong cardigan dito? Naiwan ko ata kasi kanina"

"Cardigan?? Wala eh... Ngapala ako si Suzzane at siya si Charlie, bestfriend ko"

pagkasabi nun ni Suzzane, sinenyasan niya si Charlie para tumayo at magpakilala rin..

Wala namang ganang tumayo si Charlie at bumati nang walang kaemo-emosyon

"Hi ako si Charlie -________-"

Hindi mapigilan ni Charmaine na mapatulala sa pagbati sa kanya ni Charlie..

Natulala rin siya dahil sa seryoso at lalim ng boses ni Charlie na imbes na ma-offend... ay na turn on si Charmaine..

"Ito na siguro ang tinatawag nilang 'love at first sight'"

sinabi ni Charmaine sa kanyang isipan..

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon