Chapter Twenty Seven

364 46 24
                                    

Reunited

[6 years later]

Suzzane's POV

Nandito na ako ngayon sa NAIA after 6 years na pananatili ko sa France.. Nakakamiss din pala ang init sa Pinas noh?? Grabee.. sarap sa pakiramdam na makita uli ng pinoy na tulad ko.. puro pranses kasi dun eh (hihi malamang) Ayan.. palabas na ako ng airport at nakita ko sina mom at dad na naghihintay sa'kin

"MOM! DAD!"

Agad akong tumakbo papalapit sa kanila at niyakap sila ng pagkahigpit-higpit!

"Kumusta ang France?"

"Ayy?? France ang kinakamusta hindi ang anak??"

pagtatampo ko hihihi


"I was just kidding baby... so, how are you??"

"I'm good! Nag resign po ako sa pinagtatrabahuan ko kasi miss ko na ang Pilipinas"

"Awwww... O siya tara na, at ipinaghanda ka namin sa bahay"

Tapos, kunuha na ni dad yung mga baggage ko at isinakay sa kotse at umuwi na kami.. 

Pag-uwi namin, ganun parin sa bahay, walang pinagbago nung iniwan ko except sa mga furnitures.. paranf nadoble ata eh..

Bukas, simula nanaman ng isang chapter ng buhay ko.. Ngapala, nung lumipat ako sa France, nag shift ako ng course kaya ngayon, professional Chef na ako!!! >__<

[THE NEXT DAY]

tinawagan ako ng dati kong classmate na kung interested raw ako, pumunta ako sa restaurant niya for an interview.. Since wala pa akong trabaho sa Pinas, tinanggap ko yung alok niya, so heto ako ngayo... papunta na sa restaurant niya..

Pag-alis ko ng bahay, pilit akong pinapagamit ng kotse ni mom pero wag nalang.. mas pinili kong mag-bus nalang para naman maramdaman ko uli tong Pilipinas.. Namimiss ko na rin ng konti ang France kasi napamahal narin ako dun kasama sina ate Krissa at mga anak niya :))) Nung pagsakay ko ng bus, nakita kong marami ang nakasakay at yung natitirang space ay yung nasa dulo katabi nung mamang naka hoodie at natutulog.. hmmm atleast meron... so wala akong choice.. Nang makaupo na ako, biglang nag vibrate ang phone ko.. 

*MOM calling*

"Hello??"

("...")

"Opo mom.. may dala po akong extra money.. at opo, kumain po ako ng almusal ok??"

Haaayy.. si mom talag oo.. malaki na kaya ako.. tulad parin ng dati yung turing sa'kin.. parang baby hihihi

"S-Suzy??"

biglang sabi nung katabi ko... Pagkalinggon ko naman sa kanya, nagulat ako kung sino ang nakita ko O.O

"Charlie?!"

Siya yung lalaking natutulog kanina???!! Ang awkward naman ng sitwasyon namin >___< Nakakainis tong scene na to kung saan yung pinaka ayaw mong makita na tao ay katabi mo pa!

Ganun lang kami.. nagtitinginan lang kami na para bang nangingilatis.. Hindi ko na to kaya kaya nag para ako kay kuya at bumaba ng bus

"Si-Sige Charlie ha"

Nung magsimula na akong maglakad pagkababa ko, Panay ang pagtawag ni Charlie sa'kin at sinundan talaga ako! Siya nga tong dahilan ng pag-alis ko diba??? Wala pa akong 1 week sa pinas eto nananan?! Sunod lang siya ng sunod sakin at nung napuno na ako, hinarap ko nalang siya..  

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon