Accepted
Author's POV
Isang araw narin ang nakakalipas at si Suzzane ay nasa kwarto lang niya.. nagkukulong at madalas ay umiiyak at iniisip parin ang mga nangyari. Katabi niya lagi ang cellphone niya at nagbabakasakaling tawagan siya ni Charlie o i-text man lang pero wala. Kahapon ang pinaka nakaka-stess na araw sa buhay niya. Ang naudlotna pakikipagtanan niya kay Charlie, ang nahuli sila ni Charmaine sa aiport, ang pagdadalang tao ni Charmaine at alok sa kanya ni Lawrence na magpakasal.
Gusto niyang kontakin si Charlie, gusto niyang marinig mula rito na maaayos din ang lahat pero.. wala. Sinubukan din naman niyang siya nalang ang tumawag dito pero wala rin.. di naman niya ito sinasagot.
Dumating din kahopon ng gabi ang mga magulang niya at sobra silang nag-aalala at nagtataka kung bakit nasa bahay siya samantalang ayon sa sulat nito, ay sumama na siya kay Charlie. Pero ipinaliwanag niya ang lahat ng nangyari at hinayaan nalang siyang mapag-isa dahil narin sa naiintindihan nila ang sitwasyon nito.
Akala niya may happy ending sila ni Charlie pero sa huli, siya at siya parin ang magmumukhang tanga.. Lalo na ngayon na nalaman niyang magkaka-anak sila ni Charmaine.
Nang gabing 'yon, inabala ni Suzzane ang sarili niya sa pag-iinternet. Siya kasi 'yong tipong hindi ganun mahilig sa socia medias. Sinubukan niyang mag-fb at twitter.. Nakita niyang may nag-unfriend sa kanya.. Malalaman niya 'yon dahil 107 lang ang friends niya sa facebook at ngayon, naging 106 nalang.. Di naglaon, nalaman niyang si Sander ang nag-unfriend sa kanya.
Pero sa kabilang banda, siguro nga't tama lang na ginawa niya 'yon.. Dapat lang na kalimutan siya nito dahil sobra ang ibinigay nitong heartache sa kanya. Ginawa niya 'yon siguro para makalimot sa sakit.. Pero may mga nakita siyang post nito na sobrang niyang dinama..
"In every situation, never let yourself break down and cry. Instead, push away your emotion and look for better reason to smile"
marami ang nag-comment sa post niyang 'yon.. Karamihan ay mga nag-aral sa college school na pinasukan nila
"Ok lang yan Sander.. Marami pang babae diyan"
"Ako nalang kaya papa Sander XD"
"Part yan ng pag-ibig"
"Sayang, pinakawalan niya ang tulad mo"
"Naiintindihan ka namin.. Nakita kasi namin ang effort mo 'non"
BINABASA MO ANG
Will You Ever Be Mine [COMPLETED]
Fiksi PenggemarBestfriend..... Sino ba siya??? The only role he/she play in one's life is to be there lang naman diba??? Yeah... we love our bestfriend... But what if... things get complicated???? Di naman natin maiiwasan minsan na MAINLOVE sa kanya diba??? Hindi...