Chapter Seventeen

563 49 20
                                    

Charlie is NOT my Boyfriend

Author's POV

Excited si Suzzane ngayong lunch break kaya agad-agad siyang lumabas sa classroom niya't pinuntahan si Charlie sa labas at naghihintay na sa kanya

"Suzy!"

Nakita niya si Charlie na nakasandal sa kotse niya't winawagayway ang kamay. Agad naman lumapit si Suzzane.. at pasasakayin na sana siya ni Charlie nang...

"Sandali!"

Narinig nila ang boses ng isang babae at paglingon nila, nakita nila si Charmaine na patakbong lumapit sa kanilang dalawa. Sumimangot naman agad si Charlie pero ngumiti naman si Suzzane sa kanya.

"Saan kayo pupunta?"

tanong ni Charmaine gamit ang kanyang "mabait" na side at with matching beautiful eyes kay Charlie na nagbibigay motibo na gusto niya ito..

"Maglalunch kami ng girlfriend ko, bakit?!"

pagtataray nito kay Charmaine at sabay akbay kay Suzzane. Samantala naman, kumulo ang dugo ni Charmaine sa narinig niya pero pinigilan lang niya ang kanyang "b!tch" side at nagpatuloy sa pagiging kalma.

"Pwedeng s-sumama-"

"HINDI!"

Agad sagot naman ni Charlie

"Gusto kong maglunch kasabay ang girlfriend ko NANG KAMI LANG DALAWA! Maliwanag?!"

dugtong ni Charlie.. Binigyan naman ni Charmaine si Suzzane ng "death glare". Natakot dito si Suzzane kaya tinanong niya uli si Charlie.

"Charlie, isama na natin siya please?"

(~__^)?

"Please?"

"Tss.. Oo na! Di kita matitiis kita eh"

Tsaka niya pinagbuksan si Suzzane papasok ng kotse niya. Papasok narin sana siya nang...

"C-Charlie!"

"Oh ano nanaman ba!"

"Di mo rin ba ako pagbubuksan ng pinto?"

"Ano?! Huh! Ano ako, driver mo?? Pasok ka mag-isa!"

"Uggh!"

Padabog at asar na asar naman na pumasok sa kotse si Charmaine dahil sa inasta sa kaya ni Charlie..

Pagdating nila sa isang restaurant, agad umupo si Charmaine at umupo rin si Suzzane sa kabilang bahagi ng inupuan ni Charmaine. Uupo narin sana si Charlie sa tabi ni Suzzane pero pinigilan siya nito..

"Oh? Ayaw mong katabi ang boyfriend mo?"

"A-Ano, pwedeng umupo ka sa tabi ni Charmaine?"

"Hah?! Duh!? Ayoko nga!"

"Please? *puppy eyes*"

"Tss.. Fine!"

Nang maka-order na sila ng pagkain, walang nang narinig pa sina Suzzane at Charlie kundi mga storya ni Charmaine tungkol sa kanya...

"At alam niyo ba, gusto ko sa mga lalaki ay matangkad, balingkinitang pangangatawan at higit sa lahat, player ng soccer--"

"Suzy oh... Say aaaahhh"

"Aaaaaaaah *nom* *nom*"

Napatigil bigla si Charmaine sa pagkukwento niya ng tipo niya sa lalake na halata namang tugma kay Charlie nang subuan nito si Suzzane ng barbeque.. Muli.. Nag "death glare si Charmaine kay Suzzane. Susubuan pa uli sana ni Charlie si Suzzane nang pigilan siya nito...

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon