Chapter Twenty Two

503 53 11
                                    

"Lies"

Suzzane's POV

"Mahal kita"

Ayan... Tuluyan na niyang nasabi sa'kin... Ang tatlong salitang pinakahihintay kong sabihin niya sa'kin.. Kung tatanggapin ko ang pagtatapat ni Charlie sa'kin, magiging masaya kaming dalawa.. Pero kapalit nun ay masasaktan ang mga taong nakapaligid sa'min dahil sa padalos dalos naming desisyon kahit na gaano man namin kamahal ang isa't isa.. Pano nalang sina Charmaine at Sander???? paniguradong masasaktan sila kung sakali.. May dalawa nalang akong pagpipilian ngayon... Ang tanggapin si harlie para makamit ko na ang matagal ko nang gustong mangyari sa buhay namin o ang tanggihan ko ang pagtatapat niya para narin sa kapakanan nina Charmaine at Sander..

Maya-maya may naramdaman nalang akong parang masakit sa bandang tiyan ko sabay  bigat ng ulo.. Ewan ko pero bigla nalang nanlabo ang paningin ko at naramdaman ko nalang ang malakas na pagbagsak ko sa lupa at ang pagsigaw ni Charlie.. Nasa loob pa naman kami ng E.K. kaya siguro mahihirapan si Charlie.. Haayy anubayan nagawa ko pang mag-alala gayong nahimatay na nga ako...

Pagkabangon ko, nasa isang kwarto na ako... Teka.. Nasaan ako??? Hindi ito ang kwarto ko ahh..

"Ok ka na ba Suzy?"

tanong sa'kin ni Charlie na pinapaypayan ako..

"A-anong nagyari?"

tanong ko naman sa kanya

"Nahimatay ka Suzy... Kasi di ka uli nag-almusal kaya yan"

Oo nga pala... Basta nalang akong sumama kaninang umaga sa kanya kahit na hindi pa ako nag-aamulsal..

"Kasalanan mo kasi... Pinilit mo akong sumama sa walang kwentang trip na to tsaka ni hindi mo nga ako pinatapos sa pag-inom ng kape ko!"

sabi ko nun sabay suntok ng mahina sa chest niya..

"Ok lang yun Suzy.. Pasalamat ka buhay ka pa"

pagbibiro ni Charlie...

"Ngapala Suzy... Uhmmm naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayo bago ka nahimatay?"

tanong ni Charlie at biglang sumeryoso ang mukha..

Hmmm.. sasabihin ko bang mahal ko rin siya na... matagal ko nang hinihintay na sabihin niya yun sa'kin??? Pero.. iniisip ko rin ang mga sakit na naranasan ko dahil rin sa kanya kaya.... minabuti ko nalang na magkunwaring wala akong maalala..

"Kanina?? Ano na ba yun Charlie??"

"Sabi ko kasi kanina sayo na maha-"

"Ahh Charlie! Kailangan pala nating ayusin ang friendship natin diba??? Masaya ka kay Charmaine at masaya rin ako kay Sander kaya... sana Charlie.. manatili uli tayong maging bestfriends na sinusuportahan ang isa't-isa diba??"

sabi ko kaagad para di matuloy ang sasabihin ni Charlie.. Sorry Charlie pero mas makakabuti ito sa'ting dalawa..

"Ahh o-oo naman"

tsaka siya ngumiti... ngiting hindi totoo

"Ngapala Charlie, nasan tayo?"

"Dinala kita rito sa hotel"

pagkasabi niyang yun, umalis siya sa pagkakaupo sa tabi ko at pumunta sa may kusina.. tsaka ko siya sinudan

"Magagabi narin Suzy kaya, hindi tayo makakauwi... Dito nalang tayo magpalipas ng gabi"

sabay abot sa'kin ng baso ng tubig.. Pumayag nalang ako since tama naman siya

Habang umiinom ako ng tubig, napansin kong nakatinggin lang siya sa'kin na tila may kailangan ba..

Will You Ever Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon