Stephen's pov
Hinanap ko sina nathalie kung saan sila nakatira ngayon. Pinuntahan ko siya sa parents niya pero ang sabi sa akin ay hindi daw sila umuuwi doon bigla kong naisip ang apartment na pinagawa namen. Agad kong pinuntahan ang aming apartment. Nakita ko kaagad si miley na naglalaro sa labas ng bahay kasama ang isang babae marahil ito ang yaya na kinuha ni nathalie para sa anak namin.Miley baby.....agad kong tinawag si miley ng makalapit ako sa apartment sobrang miss ko na ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko
hi papa okey naman po ako dito. Pero bakit dito po kami nakatira ni mama?? saka bakit hindi ka namen kasama miss na kita papa... niyakap ko siya ng mahigpit halos ayaw ko ng bumitaw sa kanya. Naglaro lang kami maghapon hanggang sa makatulog siya. Alas onse na ng gabi pero wala pa din si nathalie dito sa bahay nila. Ano naman kayang ginagawa nun baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.
Palabas na sana ako ng apartment ng marinig kong may paparating na motor. Nakita ko si nathalie na bumama ng motor. Hindi ko makilala kung sino ang kasama niya ng biglang magtanggal ng helmet ang lalaki. Nagulat ako ng makita kong si Ace pala ang kasama niya... Anong ginawa nila at bakit magkasama silang dalawa??
Bye nath una na ko....sige na pumasok ka na. lalapit na sana ako sa kanila ng bigla na lang halikan ni ace si nathalie sa pisngi niya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Nagtago na lang ako sa likod ng mga halaman. Hindi ko kayang makaharap si nathalie ngayon. Kaya pala ang lakas ng loob niyang makipaghiwalay sa akin dahil may ipapalit pala siya kaagad sa akin.
Pumunta ako sa bar ni phil ng wala sa sariling pagiisip.Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang mga nakita kong tagpo kanina. Kaya ba ayaw niya akong pakinggan dahil meron na siyang iba. Binabaliktad lang pala niya ako pinapalabas niya na ako ang masama pero ang totoo siya naman talaga. Buti na lang at nalaman ko kaagad hindi na niya ako maloloko ng basta-basta.
Marami na din akong nainom naramdaman ko na ang epekto ng alak sa katawan ko. Sinubukan kong tumayo papunta sa cr pero hindi na ako makatayo ng maayos ng maramdaman kong may umakay sa akin patayo.
Stephen.... lasing ka na siguro dapat ka nang umuwi. Hindi mo na kayang maglakad oh.. nang marinig ko ang boses niya ay nalaman kong si sienna pala ang nasa tabi ko.
okey lang ako kaya ko pa naman.. sa totoo lang hindi naman talaga ako okey. Ang sakit-sakit na.
you know what dapat magpahinga ka na. para may lakas ka para kausapin ang asawa mo. Ayusin niyo to para sa anak niyo...sabi niya habang inaakay niya ako papunta sa kotse ko.
fuck...this is bullshit.... hindi na ako makikipagayos sa kanya. Gusto niya ng hiwalay pagbibigyan ko siya. Ang anak ko na lang ang mahalaga sa akin. sabi ko ng naluluha.
San ba kita ihahatid?? Hindi ko pala alam ang bahay niyo. tanong niya habang nagmamaneho siya ng kotse.
Ayokong umuwi sa bahay. dalhin mo ako sa kahit saang lugar gusto ko ng kalimutan si nathalie. Para namang nakalimutan na niya ako eh.
okey lang sayo kung sa condo ko muna kita dalhin?? sabi ni sienna
Yes kahit saan ikaw na ang bahala. maya-maya pa'y tumigil na ang kotseng aming sinasakyan. Marahil andito na kami ngayon sa condo ni sienna.
Tara.... andito na tayo. dalawa naman yung room ko kaya makakapagpahinga ka ng maayos dito. inakay na niya ako papasok ng bahay niya.
BINABASA MO ANG
Who's the One???
RomanceSi Nathalie ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa sarili niyang pamilya...... Isang masaya at buong pamilya lang ang gusto niya.... Sa una naging maayos ang buhay nila ng kanyang asawa na si Stephen hanggang dumating ang isang mal...