NATHALIE'S POV
Hindi ko din mapigilan na mapangiti dahil simula ng makasama ko siya araw-araw ay gumagaan ang pakiramdam ko. Aaminin kong nageenjoy ako na kasama si Ace sino ba naman kase ang hindi masisiyahan kung napakabait at maunawain ng lalaking kasama mo. Hindi naman sa gusto ko siya pero masaya ako na naging kaibigan ko siya. Alam ko din na hanggang doon lang un kaya panatag ako na kasama si Ace. I feel safe when im with him....So how's your day beautiful??
Haist beautiful ka diyan ako nga ay tigilan mo Ace diyan sa mga joke mo hah. natatawang sabi ko sa kanya.
No.... That's true... For me your the most beautiful girl...Believe me Nath....eto nanamam siya nakakalusaw ang mga titig niya sa akin.
Nathalie can i invite you for a date??? i mean dinner date.... please!!!!!
Ahhmm i have plans na kase eh. I want to eat dinner at my house. I miss my baby so much. Sa tingin ko kase napapabayaan ko na siya eh kaya naman gusto ko sanang makasama siya sa dinner simula ngayong araw... paliwanag ko sa kanya.
Ah ganun ba, sige next time na lang. Ihahatid na kita pauwi. nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Ace. Kumirot ng bahagya ang puso ko ng makita ko ang malungkot na mukha ni Ace.
Kung okey lang ba sayo Ace pwede ka makisabay sa amin magdinner. Ano bang favorite mong ulam ipagluluto nalang kita. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti para pagaanin ng kaunti ang nararamdaman niya.
Kung okey lang ba sa inyo ni amiley bakit naman hindi. Masaya nga kung makikita ko uli si Miley. Alam mo naman na nageenjoy ako na kalaro ang anak mo eh.....
Natapos na ang dinner namen nila Miley at Ace. Mukhang nageenjoy naman ang dalawa na maglaro. Naghahabulan habang nagtatawanan sila,at feeling nila napakalaki ng bahay namin. Akala siguro nila ay play ground itong sala namen. Masayang makita na kahit papaano ay napapaligaya ko si Miley kahit na wala sa tabi niya ang kanyang ama. Maya-maya pa'y nagpakarga na si Miley kay Ace malamang inaantok na ito.
Nathalie pakiayos naman ang higaan ni Miley napagod ata sa paglalaro namen. agad kaming nagtungo sa kwarto para ayusin amg higaan ni Miley.
Ace thank you sa pagtulong mo saken hah. Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng ito eh pero salamat pa din dahil nandyn ka lagi pagkailangan kita. lumapit si Ace sa akin, hinawakan ang magkabila kong braso at deretsong tumingin sa aking mga mata.
Hindi mo naman kylangan magpasalamat, ginusto ko to masaya akong kasama kayo ni Miley. Masaya na ako kapag nakikita ko kayong nakangiti at nasasaktan ako ng sobra kapag alam kong malungkot ka. Nandito lang ako lagi para sayo nath. Kasi Mahal pa rin kita. Hindi ito nawala kahit kailan,simula ng iwan mo ako ay palihim na kitang minahal. nagulat ako sa mga salitang binitawan niya. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita halos hindi ko maibuka ang aking bibig sa pagkabigla. Nakatulala lang ako sa kanya.
Dont worry nath i dont take advantage... Kung ano tayo ngayon wala naman magbabago dun nang dahil lang sa mahal kita. Alam ko naman na isa lang ang taong mahal mo ngayon. I care for you a lot. Wala akong pakialam kahit na masaktan ako, sana naman hayaan mo akong mapalapit sa inyo ni Miley. Wala naman akong hinahangad na iba hindi ko din ipipilit na mahalin mo din ako, okey na ako kahit kaibigan lang ang tingin mo sa akin. hindi ko akalain na ganito pala kalalim ang pagmamahal ni Ace sa akin. Alam ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay nuon. Hindi ko siya ipinaglaban sa parents ko, alam kong mahal na mahal niya ako nuon pero nagawa ko pa din siyang iwan hindi ako nagtiwala sa kanya....Nasasaktan ako para kay Ace hindi ko alam na matagal na pala siyang naghihirap nang dahil sa pagmamahal niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Who's the One???
RomanceSi Nathalie ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa sarili niyang pamilya...... Isang masaya at buong pamilya lang ang gusto niya.... Sa una naging maayos ang buhay nila ng kanyang asawa na si Stephen hanggang dumating ang isang mal...