Prologue

3.6K 90 2
                                    



" Hey Maki wait for me !"

Natawa naman ako dahil sa pagsigaw ni Yann-yann dahil sa nahuhuli na siya. Angbagal talaga niya kahit kailan

" oh come on Yann ! Mahuhuli na tayo sa concert !" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa Concert Hall kung saan gaganapin ang concert ng Melows- favorite band namin.

" Maki huwag kang tumakbo, marami pa namang sasakyan ngayon."

Ngumiti lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtakbo.

" M-maki w-wait !"

Napatigil ako sa pagtakbo at humarap sa kanya ng nakakunot-noo bakit bigla ata siyang nataranta? Mas binilisan din niya ang pagtakbo papunta sa akin at ikinukumpas ang mga kamay na parang may sinasabi siya. Hindi ko na siya halos marinig dahil malapit na kami sa Concert at nangingibabaw ang musika na nililikha ng Melows.

Malapit na siya sa kinatatayuan ko at ngumiti. Ito talagang si Yann-Yann gusto lang palang makahabol----


*beep*beep*

Bigla akong napatingin sa kanang bahagi ko at nasilaw sa ilaw ng isang sasakyang paparating. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong paparating ito sa kinaroroonan ko. Hindi ko maigalaw ang mga binti ko dahil sa kaba at takot. Lumingon ako kay Yann-yann at pumikit.

*screeeeech*

" MAKI !"


Naramdaman ko ang pagbagsak at paggulong ko sa matigas na aspalto. Tumama rin ang ulo ko rito kaya naramdaman ko rin ang pagtulo ng mainit na likido pababa sa mukha ko.
Iminulat ko ng kaunti ang mga mata ko ng marinig ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Anong nangyayari? Nasaan si Yann-Yann?

Kahit na hilo pa rin ako ay ipinilit kong ilibot ang paningin para hanapin si Yann-yann.

N-nasaan na siya?


Bumuhos ang luha sa mga mata ko ngunit hindi ko magawang gumawa ng tunog. Pilit kong siyang inaabot kahit na alam kong napakalayo ko sa kinaroonan niya.

Ang Yann-yann ko ! Please tulungan niyo siya !

Iyan ang gusto kong isigaw sa mga lalaking bumubuhat sa akin papuntang ambulansya pero hindi ko magawa. I feel so hopeless. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng binalutan ng puting kumot ang katawan ng Yann-Yann ko. Nakita kong lumupaypay ang braso niya ng mailagay siya sa stretcher.

No ! It can't be ! He's not dead ! No, please save my Yann-Yann.

Save him ! My Yann-yann, my love.




Please...

I'm Talking With The GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon